Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jojo Mendrez Rainier Castillo Mark Herras

Jojo Mendrez iniwan ni Mark sa ere

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

HINDI naman po siguro, pero baka nang-iwan lang sa ere,” sagot ni Jojo Mendrez sa ginawa ni Mark Herras despite all his help and support dito.

Sa nakaraang Star Awards for TV last Sunday, bigla na lang iniwan si Jojo na nagpa-alam lang na pupunta ng CR pero hindi na bumalik.

“May emergency man or something, isang simpleng pamamaalam ng tama ay sapat na ‘di ba?,” dagdag pa ni Jojo na nagsabi ngang tinuldukan na niya o tuluyan na siyang nag-goodbye sa friendship nila ni Mark. 

“Wala na ang JoMar o MarJo,” sigaw naman ng ilang mga kasama sa panulat.

Mabuti na nga lang na nasa malapit lang na lugar si Rainier Castillo na agad ding siyang sinamahan after nila itong tawagan.

“So, siya pala talaga ang totoong nagpapakita at nagpaparamdam sa iyo ng ‘Nandito Lang Ako,’ message?” tanong pa namin dito.

Siguro po. Basta masaya ako na mayroon pala talagang ganyang klase na tao. Basta appreciated ko po ang gesture ni Rain,” sambit pa ng Revival King.

Ang Nandito Lang Ako ang first original song na kinanta ni Jojo sa likha ni Jonathan Manalo ng ABS-CBN Music. May mga nakatakda siyang gawing mall tour for its promo, kaya nga lang ay nao-overshadow ng mga tsika tungkol sa kanila nina Mark at Rainier.

Kaya once and for all ay nagpahayag na nga si Jojo na magpo-focus na lang muna siya sa kanyang music at mga iba pang gawain related to it.

“Goodbye na kay Mark. Tapos na po ang friendship. Masaya lang ako na may gaya ni Rain na dumadamay at nagpaparamdam ng respeto at pagmamahal,” sey pa nito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …