Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
DOST CSUs C-Trike A Game-Changer for Green Transportation in Tuguegarao

Naimbentong C-trike ng CSU, iniaalok sa FETODA ng Tuguegarao para sa environment-friendly na transportasyon sa lungsod

NAKAHANDA ang Electromobility Research and Development Center o EMRDC ng Cagayan State University na ibahagi ang kanilang teknolohiya sa pag-convert ng mga tradisyonal na tricycle tungo sa pagiging de-kuryente, sa sandaling handa na rin ang tricycle sector sa Tuguegarao City at iba pang lugar sa rehyon, na tangkilikin ito.

Sinabi ni Campus Research Coordinator Michael Orpilla na mayroon na silang inisyal na pag-uusap sa Federation of Tricycle Operators and Drivers and Association o FETODA ng Tuguegarao City, at hinihintay na lamang umano ng grupo ang isang ordinansa hinggil sa regulasyon sa converted tricycles.

Mahigit pitong libo ang tricyle sa lunsod na mayroong prangkisa, bukod pa sa ilang libong kolorum, na kung hindi man 2-stroke ay 4-stroke engine ang ginagamit, na parehong nagbubuga ng polusyon.

Sa converted tricy o C-trike ng CSU, tatanggalin na ang mechanical engine nito upang ma-convert sa kuryente, kung kaya’t hindi na magbubuga ng usok ang tricycle, na malaking tulong sa ating kapaligiran.

Batay sa kanilang komputasyon, sinabi ni Orpilla na sa bawat kilometrong tinatakbo ng isang 2-stroke engine, pumapatak sa 3.2 pesos ang nagagastos ng driver; habang sa 4-stroke engine naman ay 2.3 pesos per kilometer…habang kung C-trike na, umaabot lamang ito sa .88 pesos per kilometer.

Ibig sabihin ay mas malaki ang matitipid ng mga tricyle driver at malaki rin ang kitang maiuuwi nila sa kanilang pamilya kung converted trike na ang kanilang gamit.

Ang C-trike project ay kabilang sa mga proyektong pinopondohan ng DOST sa CSU, bilang kontribusyon ng unibersidad sa mga hakbanging mapigilan ang malalang epekto ng climate change sa mundo.

Kung magpapalit sa C-trike at sa electric tricycle ang mga tao, ay posibleng makamit ang hangarin ng mundo na maibaba sa 75% ang carbon emission ng nasa transport sector pagsapit ng taong 2030. (RADYO PILIPINAS TUGUEGARAO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …