Wednesday , March 26 2025
Arjo Atayde

.4-M plus residente ng QC 1st Dist., nabiyayaan sa Aksyon Agad program ni Cong. Atayde

SA KAUNA-UNAHANG State of the District Address (SODA) ni Quezon City First District Rep. Juan Carlos “Arjo” Atayde nitong Lunes, sa Skydome sa SM North, Quezon City, inihayag ng mambabatas na mahigit sa 400,000 residente ang nabiyayaan sa kanyang programang “Aksyon Agad” simula noong 2022.

“Sa ilalim ng Aksyon Agad, naisakatuparan natin ang mga programang may direktang epekto sa pang-araw-araw na buhay ng ating mga mamamayan,” anang mambabatas, habang idinedetalye ang epekto ng mga inisyatiba ng kanyang tanggapan sa trabaho, edukasyon, kalusugan, pagpapaunlad ng mga kabataan, pagtugon sa sakuna, at impraestruktura.

Sa kanyang talumpati, binigyan-diin ni Atayde na “projects or numbers are not at the core of Aksyon Agad, kundi ang bawat taong natulungan at bawat pamilyang naiangat.”

Kabilang sa mga matagumpay na proyekto o programa ng mambabatas ay ang mga sumusunod:

– 11,498 bilang ng mga manggagawa naasistehan sa pamamagitan ng TUPAD emergency employment program; 

– 1,500 aplikante para sa overseas jobs sa pamamagitan ng Taiwan Job Fair; 

– 1,100 mga residenteng nasanay sa ilalim ng TESDA at iba pang livelihood inisyatiba; 

– 245 maliliit na negosyante na sinuportahan ng P15,000 puhunan sa pamamagitan ng Sustainable Livelihood Program; 

– 60 dialysis patients bawat araw na nakatatanggap ng libreng paggagamot sa bagong pasilidad ng distrito;

– 75,466 indibiduwal na napagkalooban ng medical assistance; 

– 4,598 estudyanteng nakatanggap ng CHED educational aid, at 1,410 scholars na sinuportahan sa ilalim ng Tulong Dunong at SMART; 

– 132,567 pamilyang nakinabang sa Rice Distribution Program; 

– 65,300 residenteng nakatanggap ng free meals sa Kusina on Wheels; 

– 64,000 pamilyang nabigyan ng Pamaskong Handog nitong nakaraang holiday season; 

– 7,789 pamilyang nasunugan ang inayudahan, at 3,501 pamilyang pinagkalooban ng burial assistance; 

– 40,684 indibiduwal naabutan ng financial assistance para sa iba’t ibang pangangailangan.

“Ang bawat pisong inilalaan ng gobyerno para sa ating distrito, sinisigurado nating walang nasasayang—lahat ay napupunta sa programang direktang makatutulong sa inyo,” pahayag ni Atayde.

Sa larangan ng edukasyon at youth development, inihayag ng mambabatas na “sa pamamagitan ng CHED Educational Assistance, 4,598 mag-aaral ang nabigyan ng suporta para maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral” while “a total of ₱2,817,000 cash allowance ang naipamahagi sa 929 senior high school students sa ilalim ng Tulong Eskwela Program.”

Binigyan din ng importansiya ang kahalagaan ng palakasan kung saan, sa Aksyon Agad Sports Program,  987 kabataang atleta ang nabiyayaan habang sa Inter-Barangay Youth Program and Council League na inilunsad sa kanyang first term ay pinalawak mapaunlad ang pagkakaisa at disiplina.

Sa pagtatapos ng kanyang talumpati, pinasalamatan ni Cong. Arjo ang kanyang kabiyak ng puso, Maine Mendoza, gayondin ang kanyang pamilya sa kanilang suporta.

Pinasalamatan ng mambabatas ang kanyang constituents mula Distrito Uno ng Lungsod, kasabay ng pagsabing hindi niya sasamantalahin ang tiwalang ipinagkaloob sa kanya.

“Wala po ako rito kung hindi dahil sa inyong tiwala — isang tiwalang hindi ko kailanman ipagwawalang-bahala. Sa bawat araw na lumilipas, patuloy kong pinagsisikapan na patunayan na karapat-dapat ako sa pagkakataong ibinigay ninyo sa akin… Maraming, maraming salamat, Distrito Uno! Thank you for believing in me; I won’t let you down.” (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

DOST CSUs C-Trike A Game-Changer for Green Transportation in Tuguegarao

DOST, CSU’s C-Trike: A Game-Changer for Green Transportation in Tuguegarao

The Electromobility Research and Development Center (EMRDC) of Cagayan State University (CSU) is set to …

Jillian handang hintayin si Michael 

RATED Rni Rommel Gonzales TALAGA namang sumakses sa primetime ang tambalang MicJill o Jillian Ward at Michael Sager. Mula simula …

Herlene Budol Tony Labrusca

Tony at Herlene tandem kinakikiligan

RATED Rni Rommel Gonzales WINNER talaga sa puso ng viewers ang mga serye sa GMA Afternoon Prime! …

Bianca Umali Si Migoy ang Batang Tausug

Bianca Umali itinuturing na luho ang mga libro

RATED Rni Rommel Gonzales DUMALO si Bianca Umali sa Philippine Book Festival 2025 sa SM Megamall at nagbigay saya …

Jojo Mendrez Nandito Lang Ako 

Nandito Lang Ako ni Jojo Mendrez pwedeng maging themesong ng teleserye

MA at PAni Rommel Placente NAPAKINGGAN na namin ang latest single ng Revival King na …