Thursday , March 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jerald Napoles Kim Molina Un-Ex You

KimJe ibinuking 3 beses naghiwalay

I-FLEX
ni Jun Nardo

COM-ROM (Comedy-Romantic) at hindi rom-com (romantic-comedy) ang project na ginagawa ng partner na sina Jerald Napoles at Kim Molina.

Nakilala rin kasing komedyante ang KimJe loveteam at true to life ang kanilang relasyon kaya realistic ang lambingan nila sa movie.

Sa bago nilang movie na Un-Ex You, mula sa Viva Films, sinabi ni Kim na tatlong beses na silang naghiwalay ni Jerald.

Eh dahil mahal nila ang isa’t isa, hindi ubra ang tagline ng movie  nila na, “Pag ex na, ex na!” Pero may kasama ang tagline na, “Char… “ na ibig sabihin eh biro lang.

Nangyari ang tagline ng movie sa co-stars nila sa movie na teenstars na sina Kyosi Guinto at  Vladia Disuanco na naghiwalay dahil na rin mas priority nila ang career.

Mula sa direksiyon ni RC de los Reyes, ang movie na sa April 9 ang premiere na sa scene drop pa lang eh may  20 million views  na dahil katawa-tawa talaga sina Kim at Jerald!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Margaret Diaz Warat

“Warat” pinakaseksing pelikula ni Margaret Diaz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKITA namin ang FB post ng sexy actress na si …

Sunshine Garcia Sexbomb Alexis Castro

Thankful kami kay Lord na parang binigyan kami ng second chance maramdaman kung ano kami dati — Sunshine Garcia

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO ang SexBomb member na si Sunshine Garcia na hindi …

Lella Ford Karla Estrada

Karla sasampolan basher ni Lella Ford

RAMDAM namin ang galit kay Karla Estrada lalo sa isang basher na may socmed name KACCH4N. Grabe kasi …

Blind Item, Sexy Girl

Iisang babae sangkot daw sa Big Four

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GRABE ang ingay ng social media world ng showbiz. Kaugnay pa …

Marian Rivera Odette Khan

Marian tahimik nagpaabot ng tulong kay Odette Khan

I-FLEXni Jun Nardo TAHIMIK lang na nagpaabot ng tulong si Marian Rivera para sa aktres na si Odette …