Thursday , March 27 2025
Yasmien Kurdi Rey Soldevilla

Yasmien Kurdi, pabor kung magkakaroon ng Starstruck 1 Kids

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ISA si Yasmien Kurdi sa mga taga-showbiz na palaging sumusuporta sa mga project ng aming media group na TEAM (The Entertainment Arts & Media).

Dahil dito, kamakailan ay binigyan siya ng TEAM ng Plaque of Appreciation. Dinayo namin ng ilang kasamang TEAM officers ang magandang tahanan nila Yas (nickname ni Yasmien) at ng kanyang mabait na hubby na isang pilot, na si Sir Rey Soldevilla.

More or less ay 22 years na sa mundo ng showbiz si Yas at dahil talented ay hindi siya nababakante sa mga project sa kanyang home studio, ang GMA-7.

“I was 14 years old nang sumali ako sa Starstruck, parang kaedad ko halos si Ayesha,” sambit ni Yasmien nang usisain namin sa kanyang pagsisimula sa showbiz.

Ang batch nina Yasmien ang original na nagsimula ng Starstruck, kasama sina Rainier Castillo, Nadine Samonte, Dion Ignacio, Christian Esteban, Katrina Halili, Tyron Perez, Sheena Halili, Jade Lopez, Anton dela Paz, Cristine Reyes, Alvin Aragon at sina Mark Herras and Jennylyn Mercado na naging Ultimate Survivors o ang itinanghal na winners sa nasabing reality show ng Kapuso Network.

Kanino siya pinaka-close sa kanilang batch? “Kina Jennylyn, Nadine, si Cristine… lahat naman sila,” sambit ni Yas.

Dagdag niya, “Si Nadine, kakakita lang namin siguro three weeks ago. Si Christian naman uuwi rito sa Philippines, maybe next week yata. Kaya, hayon… nag-aayos siya ng reunion for batch 1.”

Paano niya naaalala o ide-describe ang kanilang batch sa Starstruck?

“Ano e… It’s so real, totoong-totoo kami roon, walang pagpapanggap. Wala kaming alam sa showbiz, lahat mga taklesa, bagets na bagets. What you see is what you get,” nakangiting pakli ng aktres.

Kumusta na ang kanilang batch? “Lahat nag-mature na, lahat ng batch 1, lahat kami parents na, mommies and daddies na kami and iba na ang focus namin in life. I think ngayon, mas lumalim ang friendship namin.

“Kasi nagkaroon kami ng topics na, ‘O kumusta ang anak mo’ o ‘Paano iyong pagpapalaki? o may experience ka ba na ganito?’ Parang naging mommy group siya, na at the same time ay nandoon na kami sa parenthood ngayon.”

Sa nangyari kay Ayesha, sumupport ba sila sa kanya? “Lahat… actually when they got the news and ‘yung mga nangyari, nag-reach out sila, ‘Kumusta si Ayesha…’ Kasi siyempre baby pa lang kasama na nila si Ayesha at nakikita na nila, lagi ko siyang kasama sa work ko.

“Lahat naman sila nag-reach out and nakaka-touch… nag-reach out sina Kat… ang dami nila. And aside sa Starstruck, iyong mga friends ko rin sa showbiz ay sumuporta, nag-reach out sila sa akin.”

Ngayon ay naka-maternity leave si Yas dahil kailangan niyang mas tumutok sa kanyang pamilya, lalo na sa panganay niyang anak na si Ayesha.

Si Ayesha ba, ok lang kay Mommy Yas if mag-showbiz? “Si Ayesha kasi, iyong talent niya talaga is hosting. Magaling magsalita iyong bata, nakikita ko talaga roon ang potenial niya. Kaya kapag summer, pinagho-hosting workshops ko siya, pinag-i-speech. Kasi alam ko na roon talaga ang punta niya, e.

“Nakukuha niya iyong crowd and kaya niya mag-speak in front of sa public talaga, sa audience. Kaya sabi ko, ‘Ay wow, nakaka-proud,’ kapag pinapanood ko. And lagi siyang kinukuha sa school as a host, emcee, ganyan.”

Pahabol pa ni Yas, “So, of course yes, kung papasok man siya sa showbiz, siyempre ay susuportahan ko si Ayesha.”

Kung may Starstruck ulit at gustong sumali ni Ayesha, okay din daw kay Yas. “Oo, why not, hindi ba? Isali nila lahat ng Starstuck batch 1 kids, hahahaha!”

Okay iyon, dapat may dugong Starstruck 1 talaga, hindi ba?

Tugon ni Yas, “Yes, hindi ba, dapat Starstruck kids talaga, mapagsama-sama nila. Yes, cute iyon, kung ganoon iyong concept.”

Incidentally, paano niya ide-describe ang pinagdaanang pagsubok kamakailan ng kanilang panganay na anak?

“Itong pagsubok na ito, I know na pagsubok lang ito ni Lord sa family namin. But it made as stronger as a family and natutuwa ako kasi… actually, nakaka-proud din tayo, ano pangga?” Sabi pa ni Yas sabay baling sa kanyang mister na kasama namin sa dining table.

Pagpapatuloy ng Kapuso actress, “Ano e, naging… natutukan namin ang anak namin, sobra, sobra. Tapos ang dami naming na-discover… hayon,” nakangiting pabuntong-hininga pang wika ng magandang aktres.

Aniya pa, “Ang hirap pala kapag busy ka, kasi may mga things na hindi mo nalalaman, na nao-overlook mo siya…, pati iyong mga signs (ng problema).”

Masasabi ba niyang blessing in disguise ang nangyaring ito sa kanila?

“Yes, oo, may reason siguro si Lord kung bakit nangyari ang lahat ng ito. And I think it’s for the better,” pahayag ni Yas.

About Nonie Nicasio

Check Also

Jillian handang hintayin si Michael 

RATED Rni Rommel Gonzales TALAGA namang sumakses sa primetime ang tambalang MicJill o Jillian Ward at Michael Sager. Mula simula …

Herlene Budol Tony Labrusca

Tony at Herlene tandem kinakikiligan

RATED Rni Rommel Gonzales WINNER talaga sa puso ng viewers ang mga serye sa GMA Afternoon Prime! …

Bianca Umali Si Migoy ang Batang Tausug

Bianca Umali itinuturing na luho ang mga libro

RATED Rni Rommel Gonzales DUMALO si Bianca Umali sa Philippine Book Festival 2025 sa SM Megamall at nagbigay saya …

Jojo Mendrez Nandito Lang Ako 

Nandito Lang Ako ni Jojo Mendrez pwedeng maging themesong ng teleserye

MA at PAni Rommel Placente NAPAKINGGAN na namin ang latest single ng Revival King na …

Dingdong Dantes Marian Rivera

Marian aminadong sobrang selosa, ‘di palalampasin babaeng dumidikit kay Dong

MA at PAni Rommel Placente INAMIN ni Marian Rivera na talagang selosa siya noon, pero hindi raw …