Friday , April 18 2025
Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) partylist umarangkada sa unang araw ng kampanya

Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) partylist umarangkada sa unang araw ng kampanya

NAGSAGAWA ng isang makasaysayang kick-off motorcade rally ang isang grupo ng party-list na kumakatawan sa mga fire  at rescue volunteers sa buong Filipinas kahapon ng umaga na nagsimula sa harap ng Bureau of Immigration sa Intramuros, Maynila sa pag -uumpisa ng campaign period para sa darating na halalan ngayong Mayo 2025.

Mahigit 200 sasakyan ng mga fire and rescue volunteers ang nakilahok kabilang ang nasa 3,000  supporters mula sa iba’t ibang organisasyon na nagpakita ng suporta sa Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) No. 134 sa balota.

Ang Bumbero ng Pilipnas (ABP) partylist ay pinangungunahan ni first nominee Jose Antonio “Ka Pep” Goitia kasama ang iba pang  nominado na sina Leninsky Bacud, Catleya Cher Goitia, Jose Mari Alfonso Goitia, Carl  Gene  Moreno Plantado, at Howie Quimzon Manga.

Ayon kay Ka Pep Goitia, maghahain sila ng resolusyon para sa kapakanan ng fire volunteers and rescuers na katuwang sa mabilis na pagtugon sa mga sunog, sakuna, at kalamidad sa bawat komunidad sa iba’t ibang  sulok ng Filipinas.

Sinabi ni Ka Pep Goitia, magsusulong sila ng batas para magkaroon ng benepisyo ang lahat ng firefighters, fire and rescue volunteers at iba pang volunteers. Layunin din ng kanilang grupo ang pagpapaunlad ng kakayahan ng bawat Filipino at magkaroon ng sapat na kaalaman sa pagtugon at paghahanda sa lahat ng kalamidad na darating sa ating bansa.

Ang campaign period  para sa mga tumatakbo sa  national position ay tatagal nang 90 araw na mag-uumpisa mula 11 Pebrero at magtatapos sa 10 Mayo alinsunod sa batas na ipinanukala ng Commission on Election (Comelec).

Sa opisyal na listahan ng Comelec, nasa 155 party list group ang maglaban-laban para makakuha ng  posisyon sa 63 bakanteng puwesto para sa Kamara. (BONG SON)

About Bong Son

Check Also

Tour of Luzon The Great Revival a complete package

Tour of Luzon ‘The Great Revival’ a complete package

Ang Tour of Luzon a complete package ng isang multi-stage race sa pagbabalik ng kilalang …

Philippine Aquatics Inc PAI Water Polo

PH Youth squads sasalang sa Malaysia Water Polo tilt

ANG Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ay bumuo ng 30-man Philippine Junior Teams (lalaki at babae) …

PVL Rookie Draft 2025

Matapos ang Makapigil-hiningang Finals, PVL tumutok sa Rookie Draft Mode

KAMAKAILAN lang mula sa kapana-panabik na pagtatapos ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Finals …

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …