Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Francis Tol Tolentino

PNP, COMELEC pinaalalahanan  
OPS KATOK DAPAT SAKTO AT MAY KOORDINASYON

PINAALALAHAN ni Senate Majority Floor Leader Francis “Tol” Tolentino ang Philippine National Police (PNP) at Commission on Elections (Comelec) na maging maingat at kailangan ang masusing koordinasyon sa pagpapatupad ng operasyong Oplan Katok.

Ang paalala ni Tolentino ay kanyang ginawa kasabay ng isinagawang Liga ng Barangay Congress- Eastern Samar na inilunsad sa Quezon City.

Naniniwala si Tolentino na ginagawa ng pulisya ang kanilang tungkulin ngunit dapat na magkaroon umano ng koordinasyon ang PNP sa Comelec sa pagpapatupad nito.

Kaya naman sinabi ni Tolentino na suportado niya ang inihayag ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil na makikipagdayalogo kay Comelec Chairman George Erwin Garcia upang matalakay ang usapin.

Una nang binigyang-diin ni Gen. Marbil na legal at isang proactive initiative ang ipinatutupad na revitalized Opn Katok na may layuning matiyak ang pagiging responsable ng mga gun owner at maiwasan ang pagdami ng mga ilegal na armas. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …