PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
USAPANG break-up nina Barbie Forteza at Jak Roberto ang isa sa 2025 pasabog sa showbiz.
Marami ang nalungkot dahil sa loob ng seven years ay ipinaglaban ng dalawang lovers ang kanilang relasyon.
Hindi man nagbigay o naglabas ng detalye ang parehong panig, marami naman ang naniniwalang na-fall-out of love ang isa habang umano’y na-pressure naman ang isa sa usaping ekonomiya o trabaho.
Well, masakit naman talaga ang nangyari pero sa showbiz naman ay “interes” lang talaga ang permanente kaya’t habang keri pa nilang magkaroon ng projects at may mga tumatangkilik sa kanila, push lang ng push.
Sa kabilang banda, ang mga faney ng BARDA o tambalang Barbie at David Licauco ay tuwang-tuwa dahil para sa kanila, mas may future ang BarDa bilang reel and real life tandem.
May ganoon?