Friday , July 25 2025
Chavit Singson e-jeep

Inilunsad na e-jeep ni Manong Chavit pinakamura sa merkado

ISINAPUBLIKO na ni dating Ilocos Sur Governor at businessman Luis “Manong Chavit” Singson ang bersiyon ng pinakamurang electronic jeepney (e-jeep) para sa mga driver at operators sa bansa nang sa ganoon ay makatugon sa jeepney modernization program ng ating pamahalaan.

Kasama ni Singson sa paglulunsad ang isang Korean company na aniya’y maituturing na ‘palugi’ at hindi kikita sa layuning makatulong sa mga kababayang drivers at operators para sa kanilang kabuhayan upang matugunan ang pangangailangan ng kanilang pamilya.

Ang naturang e-jeep, ayon kay Singson ay nagkakahalaga lamang ng P1.2 milyon kada isa kompara sa P3 milyon na kasalukuyang bersiyon ng e-jeep na mayroon sa ating bansa.

Bukod dito ipinagmalaki ni Singson na bagamat ito ay bersiyon sa bansang Korea, maituturing ito na Philippine maid o gawang Pinoy dahil ito ay bubuuin o gagawin sa Batangas.

Ipinagmalaki ni Singson na magiging available sa bansa ang spare parts ng mga naturang sasakyan sa sandaling kailanganin.

Binigyang-diin ni Singson na ang kanilang inaalok sa mga operator at drivers ay pawang pautang nang walang down payment at walang interest kahit ‘singkong duling’.

Inaasahan ni Singson na sa kanilang unang paglalabas ng kabuuang bilang ng naturang e-jeep ay aabot sa 600 units.

Inilinaw ni Singson sa mga grupo o asosayon na hahatiin muna nila sa tig-10 kada bayan sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang matiyak na lahat ay magkaroon.

Aminado si Singson na magiging madali ang kanilang produksiyon ng mga e-jeep kung mayroon pang ibang mga kompanya na makikipagtulungan sa kanila.

Iginiit ni Singson na malaki ang matitipid sa pagbili ng krudo at gasolina at maging sa mga spare parts ng mga operator at drivers sa bersiyon ng kanilang e-jeep.

Tiniyak ni Singson na maglalagay sila sa lahat ng mga terminal ng solar charging station upang sa ganoon ay makatipid ng konsumo sa koryente.

Itinuturing ni Singson na isang environmental friendly ang kanilang e-jeep dahil ito ay hindi na magbubuga pa ng maitim na usok na lubhang nakasisira sa kalikasan. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Nelson Santos Rebecca Madeja-Velásquez PAPI

Nelson S. Santos Itinalagang Chairman at Director for Media Affairs ng PAPI

MAYNILA — Ipinagmamalaki ng Publishers Association of the Philippines, Inc. (PAPI) ang opisyal na pagtatalaga …

Bulacan PDRRMO NDRRMC

13 bayan, lungsod sa Bulacan lubog sa tubig baha, Tulay sa San Miguel-DRT bumigay

MARAMING lugar sa Bulacan ang nananatiling lubog sa tubig-baha hanggang nitong Martes, 22 Hulyo, habang …

Couple Arrest Hand Cuffed Posas

Mag-dyowang tulak tiklo sa ‘obats’

ARESTADO ang dalawang indibidwal na pinaniniwalaang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buybust operation …

BingoPlus Why Filipinos keep smiling, even when it hurts

Why Filipinos keep smiling, even when it hurts

LIFE is expensive, but joy doesn’t have to be. In this time of soaring prices, …

072225 Hataw Frontpage

Misis ni Speaker Martin Romualdez
4th TERM NI YEDDA SA KAMARA ISANG MOCKERY NG ELECTORAL PROCESS – ATTY. MACALINTAL

HATAW News Team MAGKAKAROON ng “mockery” sa electoral process ng bansa kung hindi kukuwestiyonin sa …