Saturday , December 21 2024
MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon para sa 10 pelikula na kalahok sa ika-50 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Sa Disyembre 25 ang umpisa ng film festival. Pito  sa 10 pelikula ang pamilyang Filipino.

Tiniyak ng MTRCB na nabigyan ng angkop na klasipikasyon batay sa umiiral na pamantayan ng ahensiya.

Ang romantic comedy na “My Future You,” ay  rated G at angkop para sa lahat ng manonood.

Ang pelikulang pinagbibidahan ni Vice Ganda na “And the Breadwinner is…” at “Green Bones,” na mula sa panulat ni National Artist for Film and Broadcast Arts Ricky Lee, ay rated PG.

Ibig sabihin, ang mga batang edad 13 at pababa ay kailangang kasama ang magulang o nakatatanda sa sinehan.

Rated PG din ang mga pelikulang “Espantaho,” na pinagbibidahan ng mga premyadong aktres na sina Judy Ann Santos at Lorna Tolentino; “Hold Me Close,” mula sa panulat at direksiyon ni Jason Paul Laxamana, at pinagbibidahan nina Carlo Aquino at Julia Barretto; ang action-adventure na “The Kingdom,” kasama sina Bossing Vic Sotto at Piolo Pascual; at ang musical na “Isang Himala,” mula sa direksiyon ni Pepe Diokno at sa panulat nilang dalawa ni Ricky Lee.

R-13, o para lamang sa edad 13 at pataas, ang horror na “Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital,” dahil sa tema, lengguwahe, at ilang eksena na hindi angkop para sa mga batang edad 13 at pababa.

Ang palabas na “Uninvited,” na pinagbibidahan ni Filipino Star for All Seasons Vilma Santos-Recto, Aga Muhlach, at Nadine Lustre ay rated R-16 dahil sa matinding tema at maseselang eksena.

Ang “Topakk,” o mas kilala bilang “Triggered” sa ibang bansa, ay nag-submit ng dalawang bersiyon at tumanggap ng R-16 at R-18.

Taos-pusong nagpasalamat si MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio sa mga pelikulang kalahok ngayong taon.

“Isang pribilehiyo po para sa amin sa MTRCB na makatrabaho ang MMFF para sa pagpapalabas ng mga pelikulang Filipino ngayong Pasko. Ang mga pelikulang ito ay hindi lamang nakapagpapasaya kundi nagpapakita rin ng mayamang kultura at pagkamalikhain natin bilang mga Filipino,” sabi ni Sotto-Antonio.

“Hinihikayat natin ang publiko na suportahan ang ating lokal na pelikula. Ang bawat palabas na ito ay binuo ng mga propesyonal at may pagmamahal. Ang ika-50 edisyon ng MMFF ay sumasalamin sa matatag at pagiging malikhain ng pelikulang Filipino,” dagdag MTRCB chief.

Ngayong ika-5 dekada ng MMFF, nagpasalamat si  Sotto-Antonio sa mga stakeholder para sa hindi matatawarang pagmamahal nila sa industriya ng paglikha.

“Nais naming pasalamatan ang lahat, mula sa producers, direktor, artista, at sa bumubuo ng MMFF para sa kanilang kooperasyon upang mabigyan ng Board ng angkop na klasipikasyon ang 10 pelikula,” sabi ni Sotto-Antonio.

“Tinitiyak namin na ang mga pelikula ay ligtas panoorin ng lahat batay sa angkop na edad habang ini-enjoy ang palabas sa loob ng sinehan.”

About Nonie Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Magandang produksiyon ng The Kingdom kapuri-puri

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAPA-WOW! ang karamihang nanood sa isinagawang special screening ng Metro …