Saturday , December 21 2024
Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang kultural gaya ng pagkain, arkitektura, at sayaw matapos bumisita ni Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco sa lalawigan para sa Central Luzon Leg ng Philippine Experience Program: Cultural, Heritage, and Arts Caravan nitong Sabado, 14 Disyembre, sa La Consolacion University – Barasoain Campus sa Lungsod ng Malolos, Bulacan.

Sa temang “Experience Central Luzon, Experience Paskong Pinoy,” dinalohan ang nasabing programa ng mga foreign ambassador mula sa Thailand at Vietnam, mga lokal na dignitaryo, mga diplomat, at DOT regional directors sa buong bansa na sinalubong ng isang heritage tour sa makasaysayang kalye ng Pariancillio sa lungsod.

Binigyang diin ni Maria Paz Alberto, presidente ng Pacific Asia Travel Association Philippines Chapter, sa kaniyang mensahe ang kahalagahan ng pagkilala sa kultura ng iba upang mas matuklasan pa ang tunay na ganda ng Filipinas.

“For us Filipinos to be able to discover the beauty of our country, it’s not just about the beauty but also being immersed in the culture of our fellow Filipinos,” aniya.

Samantala, sinabi ni Provincial Administator Antonia Constantino, na kumatawan kay Gov. Daniel Fernando, nilalayon ng lalawigan na paigtingin pa ang turismo upang makalikha ng mga oportunidad sa mga manggagawang Bulakenyo at maisulong ang positibong transpormasyon na ikabubuti ng mga ganitong programa.

“We aim to strengthen tourism for job and career opportunities.  Bulacan is rich in natural resources, cultural heritage such as the food, its architecture, the legacy that you can see from the people. We want to promote positive transformation that will benefit all through programs like this, and together we can determine the right steps for a better future,” ani Constantino.

Dumalo rin sa pagtitipon sina Cong. Ambrosio Cruz, Jr., Malolos Mayor Christian Natividad, at Vice Mayor Miguel Alberto Bautista. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Ron Angeles Aga Muhlach Nadine Lustre Vilma Santos Uninvited

Ron Angeles dream come true makatrabaho sina Vilma, Nadine, at Aga

MALAKING karangalan para sa guwapong aktor na si Ron Angeles ang mapasama sa pelikulang Uninvited …