Friday , December 20 2024
Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo Nieto at ang buong Asenso Manileño team  sa senior citizens ng Maynila.

Ang aktibidad ay nataong kasabay ng payout  ng senior citizens allowances para sa mga buwan ng Setyembre hanggang Disyembre 2024.

Nabatid sa tanggapan ni Office of Senior Citizens Affairs (OSCA) chief Elinor Jacinto na ang lungsod ay kasalukuyang may 191,144 seniors citizens at bawat isa ay tatanggap ng P2,000.

Ang halaga ay kumakatawan sa P500 buwanang allowance na bahagi ng special amelioration program (SAP) na ipinasa ng  Manila City Council nang si Lacuna pa ang presiding officer.

Bukod sa senior citizens, ang mga beneficiaries ng nasabing programa at tumatanggap din ng monthly allowance ay ang mga persons with disability, solo parents at mag-aaral mula sa dalawang city-run universities na kinabibilangan ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) at ng Universidad de Manila (UDM).

Kasabay nito, nagbigay din ng tulong pinansiyal sina  Lacuna at  Servo sa may kabuuang 244 residente na nagpapagamot sa sakit na cancer at nagda-dialysis.

Ang mga pasyente ay personal na hinarap at binigyan nina Lacuna at Servo ng tulong sa People’s Day, regular na ginagawa sa Bulwagang Villegas ng Manila City Hall.

Ang nasabing programa ay regular na inisyatibo ng   administrasyon ni Lacuna bilang pagkilala sa pangangailangan ng mga residente na dumaranas ng cancer at sakit sa kidney.

“Nais po ng pamahalaang lungsod, sa pamamagitan ng ganitong simpleng paraan ay makapagbigay kahit paano ng tulong para sa inyong pagpapagamot,” ani  Lacuna. (BONG SON)

About Bong Son

Check Also

Mary Jane Veloso

OFW Mary Jane Veloso nakauwi na sa bansa

NAKAUWI na sa bansa ang napiit na overseas Filipino worker (OFW) sa loob ng 14 …

121924 Hataw Frontpage

Meralco franchise kapag ‘di naamyendahan
PRESYO NG KORYENTE SA PH SISIRIT PA

MAHIGPIT na nanawagan ang isang consumer rights advocate sa Senado na baguhin o amyendahan ang …

Chavit Singson VBank

VBank inilunsad ni Manong Chavit

PORMAL nang inilunsad ni senatorial candidate Luis “Manong Chavit” Singson ang VBank digital bank, isang …

121924 Hataw Frontpage

Sigaw ng labor at health workers  
HERBOSA SIBAKIN, PHILHEALTH SUBSIDY IBALIK

HATAW News Team ISANG malaking kilos protesta ang inilunsad ng isang koalisyon ng labor groups, …

Bulacan Police PNP

Sa Bulacan
3 PUGANTE, 1 TULAK NAKALAWIT

SA PATULOY na operasyon kontra kriminalidad ng pulisya, nadakip ang tatlong nakatalang wanted person at …