Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Chavit, umaariba sa poll ratings

122024 Hataw Frontpage

HATAW News Team

SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging “dark horse” ang ngayo’y tumatakbo sa pagka-senador na si Luis “Chavit” Singson, ayon sa pinakahuling datos na isinagawa ng Tangere, isang online polling body.

Base sa “The 2025 Pre-Election Senatorial Preferential Survey”, 11.29% ang itinaas ng grado ni Chavit kung ikokompara sa nakaraang buwan, laban sa iba pang 66 katunggali nito sa pagka-senador. 

Batay sa isa pang survey provider na Pulso Ng Bayan, 22.75% ang itinaas ng kanyang grado, na pinakamataas kompara sa lahat ng senatoriables sa parating na 2025 midterm elections.

Ayon sa “Team Chavit Singson”, bagama’t nasa 20-23 puwesto ang kanilang kandidato, lubos naman nila itong ikinagagalak at itinuturing na isang “positive development” na tanda ng lumalawak na suporta ng bayan sa kanyang pagtakbo.

Anila, lubos din nilang ipinagpapasalamat ang higit pang lumalawak na voter reach nito, lalo sa National Capital Region (NCR), northern, central at southern Luzon, at patuloy pang pag-iibayohin ang pag-abot lalong-lalo na sa mga rehiyon ng Visayas at Mindanao.

Tala ng mga political at social media analysts, malaki ang naging papel ng mga followers sa social media ni Singson na siya ay pumangatlo sa lahat ng senatorial candidates na may social media following nitong katatapos na buwan ng Nobyembre, at patuloy pang nangunguna at dumarami ngayong buwan ng Disyembre.

Bukod kay Singson, ang iba pang mga kandidato sa pagka-senador na nagkaroon ng bahagyang pagtaas sa poll rating ay sina Richard Mata (4.25%), Gringo Honasan (1.29%), Camille Villar (0.54%) at Imee Marcos (0.42%).

Ayon sa Tangere, ang survey na ito ay isinagawa noong 11-13 Disyembre, na may 2,400 respondents – ang 23% ay nagmula sa northern Luzon, 23% sa Mega Manila, 20% sa southern Luzon, 20% sa Visayas, at 23% sa Mindanao. Ito ay may 95% confidence at margin of error na +/- 1.96.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …