Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Francine Diaz Seth Fedelin FranSeth My Future You

My Future You ng FranSeth may puso, may ‘K’ ipagmalaki

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

PANALO sa ganda at tema ng istorya para sa amin ang My Future You na pinagbibidahan nina Francine Diaz at Seth Fedelin.

Isa kami sa naimbitahan sa Red Carpet Premiere ng My Future You na entry ng Regal Films sa Metro Manila Film Festival 2024 at wala kaming masyadong expectation sa pelikula. Ipinagpalagay agad namin na isa lamang iyong ordinaryong romance movie o pa-cute, kilig-kiligan movie.

Subalit nagkamali kami. Napa-wow! kami sa ganda ng istorya at pagkakadirehe ni Crisanto Aquino sa pelikula dahil napakaganda ng twist.Siyempre hindi na namin babanggitin dahil baka sabihin ninyong panira kami sa kuwento.

Masasabi naming isa ito sa best movie na idinirehe ni Aquino at pwedeng ipagmalaki ng FranSeth.  

Pampamilya at tamang-tamang sa tema ng Pasko ang istorya. Na may isang tagpo roon ang nagpaluha sa amin. Nagulat na nga lang kami na biglang nabagbag ang aming damdamin sa tagpong iyon na tiyak makatatawag ng pansin sa mga manonood.

Hindi papahuli ang My Future You sa siyam pang entry sa 50th MMFF dahil maayos ang pagkakalatag ng istorya, hindi rin boring, at exciting ang kabuuan ng pelikula.

Iikot ang kuwento sa buhay kina Karen (Francine) at Lex (Seth) na nagkilala sa pamamagitan ng isang dating app. Kung ano ang nangyari after nilang magkakilala hindi na namin pa masyadong ikukuwento dahil mas magandang kayo na mismo ang maka-discover ng kagandahan ng istorya ng dalawa.

Sa pelikulang ito namin na-discover na magaling palang magpakilig ang dalawa. Kaya nga may mga nagkomentong naalala nila sa dalawa ang KathNiel na mahusay din sa pagpapakilig sa mga pelikulang ginawa. Kaya hindi naiwasang maghiyawan ang audience sa bawat pasabog at paandar na eksena during ng mga ito.

Malaki rin ang improvement ng akting ni Seth samantalang si Francine ay talaga namang nahuhusayan na kami even before pa sa kanyang mga serye sa ABS-CBN.

Kasama rin sa pelikula sina Christian Vasquez, Almira Muhlach, Vance Larena. Sinuportahan naman ang FranSeth nina Star Magic head Lauren Dyogi, director Mae Cruz-Alviar, at mga kaibigang sina Jameson Blake, KD Estrada. at Alexa Ilacad.

Naroon din sa premiere night siyempre ang producer ng pelikula, ang mag-inang Roselle at Keith Monteverde.

Mapapanood ang My Future You simula December 25. Isa ang pelikulang ito sa hindi dapat palampasin dahil isa ito sa maganda na ang istorya at pwede pang ipagmalaking pelikula. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …