I-FLEX
ni Jun Nardo
SUSUKO si Rufa Mae Quinto sa warrant of arrest na nakaabang sa kanya at magpo-post ng bail. Ayon ito sa lawyer ni Rufa Mae na si Atty. Louise Reyes na lumabas sa social media.
Bahagi ng statement ni Atty. Reyes, “She’s worried kasi hindi naman totoo ang allegattions kasi my client po is just a brand ambassador, a model endorser.
“Ni hindi sa kanya nakapagbayad ng downpayment tapos ‘yung mga tseke puro tumalbog. Lahat po ‘yan hawak namin po ‘yung ebidensiya, ipe-present namin sa court.”
Sa pagkakaalam namin, same brand ng beauty products ang sangkot sa legal issue nito gaya ni Neri Naig. Hindi pa nga tapos ang issue kay Neri, si Rufa Mae naman.
Mayroon pa bang ibang celebrities diyan na may warrant of arrest sa kaparehong bintang?
Pasko na!