I-FLEX
ni Jun Nardo
HATING-KAPATID ang namamagitan sa business partner na sina RS Francisco at Sam Versoza kaya walang bahid ng eskandalo ang negosyo nilang Frontrow, Inc..
Hinahangaan kasi ang partnertship nina Sam at RS na buong mundo ay nagtitiwala sa kanila lalo na ang endorsers na kinuha nila.
Kapwa produkto ng University of the Philippines sina RS at Sam na dahil pinag-aral sila ng bansa, mula nang maging tagumpay sa negosyo eh nagsimula na silang tumulong sa nangangailangan.
Pero between the two, si Sam ang mas inclined sa politics lalo na ngayong target niya ang pagsilbihan ang kababayan sa Maynila kung sakaling palarin bilang Mayor.
Si RS naman, patuloy lang siyang tutulong sa pagbibigay ng trabaho at pagtulong din sa sariling paraan.
No wonder, sa magandang samahan nina RS at Sam, waging-wagi sila sa puso ng mga tao!
Merry Christmas, RS at Sam!