Thursday , November 28 2024
Rolan Valeriano Isko Moreno

Isko hinamon na sumalang sa lie detector test

TAHASANG hinamon ni Manila 2nd District Representative Rolan Valeriano (CRV) si former Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na sumalang sa  lie detector test, bilang reaction ng una sa isang video na nakarating sa kanyang kampo na tila pag-aakusa sa kanila nang hindi magandang pagtrato sa dating mayor.

Nabatid base sa kumalat na video, sinabi ni Moreno na siya at si dating Councilor Letlet Zarcal, ay nakipagkita kay CRV kasama si 3rd District Representative Joel Chua at malakas umano ang pagsasalita ng dalawang congressman na sinabing ipagkakatiwala nila ang posisyon sa pagka-alkalde kahit kanino maliban sa kanya (Moreno).

Mariing nanindigan sina Valeriano at Chua na hindi ganoon ang kinahantungan ng pagkikita nila at walang ganoong klaseng insidente na naganap sa meeting.

Giit ni Valeriano, maayos silang naghiwalay at sinabing ‘Boss’ pa rin ang kanilang itinawag kay Moreno.

Kaugnay nito, nang makarating sa kaalaman ni Valeriano na naglabas ng kuwento si Moreno tungkol sa nasabing meeting ay agad siyang nag-text kay Zarcal na kaharap sa naunang pulong upang alamin ang  pakiramdam nito sa sariling kuwento na ginawa umano ni Moreno.

               “Ano nasa isip mo pare ‘pag nagsisinungaling ang kaharap mo kasi kasama ka riyan pero kung siraan kami… maayos tayong naghiwalay no’ng gabing ‘yun…” pahayag ni Valeriano kay Zarcal ngunit hindi pa sumasagot sa kanyang text message.

Sina Valeriano at Chua ay dalawa sa  limang congressman sa lungsod na tanyag sa pananatiling kaalyado ni Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – Pangan.

Isa lamang sa anim na incumbent congressmen sa kabiserang lungsod ng bansa ang kapartido ni Isko para sa 2025 national and local elections.

Ani Valeriano, posibleng ito ang dahilan kung bakit winawasak sila ni Isko sa mata ng publiko.

Giit ng dalawang congressman, hayagan nilang idinedeklara ang kanilang paniniwala at suporta para kay Lacuna dahil anila, siya ang karapatdapat para patuloy na mamuno sa lungsod sa mga darating na panahon. (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Fernando Transport Summit ginanap BFJODA officials inihalal

Transport Summit ginanap BFJODA officials inihalal

LUNGSOD NG MALOLOS – Nagmarka ng isang mahalagang yugto ang Bulacan Federation of Jeepney Operators …

Victory Liner Electric Bus e Bus

Unang electric bus sa bansa inilunsad ng Victory Liner

INILUNSAD ng Victory Liner nitong Miyerkoles, 27 Nobyembre, ang pagbiyahe ng kauna-unahang fully electric bus …

112824 Hataw Frontpage

VP Sara, VPSPG chief, inasunto ng QCPD

ni ALMAR DANGUILAN SINAMPAHAN ng mga kaso kahapon ng Quezon City Police District (QCPD) sina …

ArenaPlus PBA FEAT

ArenaPlus co-presents PBA Esports Bakbakan Season 2

ArenaPlus, your 24/7 sports entertainment platform in the country, co-presents another season of the Philippine …

Sara Duterte PBBM Bongbong Marcos

PBBM may sagot sa kill plot ni Sara Duterte

MALAKAS ang paninindigan ni President Ferdinand Marcos, Jr., na isang ‘troubling threat’ ang mga binitawang …