Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sara Duterte PBBM Bongbong Marcos

PBBM may sagot sa kill plot ni Sara Duterte

MALAKAS ang paninindigan ni President Ferdinand Marcos, Jr., na isang ‘troubling threat’ ang mga binitawang salita ni vice president Sara Duterte.

Kabilang sa pahayag na ‘yun ay may kinausap na umano ang bise president — kung sakaling siya ay patayin — para ipa-assassinate ang pangulo ng Filipinas.

Sa inilabas na video message ni PBBM, sinabi niyang: “Such criminal plans should not be overlooked.”

Bagama’t hindi pinangalanan si Vice President Duterte sa mensahe ng pangulo, malinaw na patungkol ito sa pangalawang pangulo.

Nagsimula ito sa maaanghang na pahayag ng 2022 running mate ni PBBM noong Sabado na may kinausap at inutusan na siyang tao para i-assassinate ang pangulo, ang asawa nitong si First Lady Liza Araneta Marcos, at ang parliament speaker Martin Romualdez.

Ito ay ang kanyang sagot sa tanong ukol sa kanyang safety. Ngunit walang nabanggit ang bise presidente sa nasabing online press conference kung mayroon ba siyang threat na natatanggap.

Pahayag ni PBBM, “The statements we heard in the previous days were troubling.

“There is the reckless use of profanities and threats to kill some of us.

“I will fight them,” dagdag niya na nanindigang hindi niya hahayaan ang kahit anong criminal attempts.

Ayon sa isang senior Department of Justice official, walang ‘immunity from prosecution’ ang bise presidente.

Ang atake ni VP Duterte kay Marcos ay nangyari ilang linggo lang matapos malagay sa hot seat sa kongreso ang kanyang amang si Rodrigo Duterte tungkol sa sinabing mga namatay sa ilalim ng kanyang “war on drugs” na sentro ng kanyang presidency noong 2016 hanggang 2022.

Sa mga hearing na ‘yun, sinabi ni Pangulong Marcos na makikipag-cooperate ang kanyang administrasyon. Kabilang dito ang international effort patungkol sa pag-aresto sa dating pangulong Duterte na ngayon ay sumasailalim sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) para sa posibleng ‘crimes against humanity.’  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …