I-FLEX
ni Jun Nardo
NAGMALAKI na naman ang producers ng Kathryn Bernardo at Alden Richards movie na nagtala ng boxoffice record sa gross income na ipinalalabas pang tinalo na nito ang record ng Dong-Yan movie na Rewind.
Teka lang naman, huh!
Naku, ang kinita ng KathDen movie ay kinalap talaga sa advance ticket selling, showing nito sa ibang bansa at block screenings.
Eh ‘yung Rewind, sa Metro Manila Film Festival ipinalabas. Ten days sa sinehan at sa extension nito. Dagdag na kita ang block screenings!
Eh kung nagkaroon ng advance ticket selling, showing ng movie sa ibang bansa, aba, baka mahigit P2-B na ang kinita nito, huh.
Hindi na kailangang umikot pa, ibenta nang maaga at kung ano-ano pang marketing strategy ang gawin para kumita ng more than P1-B. Dito pa lang sa nanood sa bansa, lumikha na ng record sa takilya ang Rewind.
Kapag kumita ng P2-B ang KathDen movie sa mga sinehan dito, at saka kapani-paniwalang breaking records ito.
Wala pa ring makatinag sa pagiging Box Office King and Queen nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.
Gawin muna ‘yan bago ang praise releases sa kinita ng pelikula.