I-FLEX
ni Jun Nardo
NAGKAROON ng special screening kamakailan ang pelikulang Nokturno na si Nadine Lustre ang bida at idinirehe ni Mikhail Red.
Pero sa streaming app muna ito ipalalabas. Kapag nag-hit, baka ipalabas din sa mga sinehan.
Nagsama sa festival 2023 horror movie na Deleter sina Nadine at Direk Mikhail. Waging-wagi nga sila sa takilya at awards.
Ang alam namin, isinumite rin ang pelikula sa 2024 Metro Manila Film Festival. Hindi ito pinalad mapili, huh!
Anyare? Wala naman sigurong kinalaman ang MMFF movie ni Nadine na Uninvited na kasama niya sina Vilma Santos-Recto at Aga Muhlach, huh!