HATAW News Team
TULUYAN nang naging severe tropical storm ang bagyong Ofel (international name: Usagi) habang binabagtas ang Philippine Sea nitong Martes ng hapon, 12 Nobyembre, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sa kanilang 5:00 pm bulletin, sinabi ng PAGASA na namataan ang sentro ng bagyong Ofel 780 kilometro Silangan ng Virac, Catanduanes, na may lakas na 95 kilometers per hour (kph) at bugsong aabot ng 115 kph.
Inaasahang magla-landfall ang bagyong Ofel mula hapon hanggang gabi Huwebes, 14 Nobyembre sa silangang bahagi ng Cagayan o Isabela, at makaaapekto sa iba pang lugar.
Maaaring itaas ang Wind Signal No. sa ilang bahagi ng Cagayan Valley mula Miyerkoles ng umaga, 13 Nobyembre.
Nagbabala ang PAGASA na maaring lumakas ang bagyong Ofel ngayong Miyerkoles at asahang magtaas ng Signal No. 4 sa ilang lugar kung aabot sa 118 hanggang 184 kph ang bilis nito.
Katamtaman hanggang malakas na pag-ulan ang inaasahang iiral sa ilang bahagi ng hilagang Luzon simula ngayong hapon.