I-FLEX
ni Jun Nardo
ANG daming oras ng cager na si Kobe Paras para sa girlfriend na si Kyline Alcantara, huh!
Nitong nakaraang weekend, magkasama sina Kobe at Kyline sa pamimigay ng relief goods para sa nasalanta ng bagyong Kristine sa mga kababayan niya sa Bicol.
Take note na hindi lang isa kundi tatlong bayan sa Albay ang hinatiran nila ng tulong.
Kaya naman nagpista ang taga-Albay kina Kyline at Kobe na hindi naman naging maramot magpakuha ng litrato sa kanila.
Sarap maging boyfriend si Kobe dahil sa maalaga kay Kyline.