I-FLEX
ni Jun Nardo
HUMANGA si Vilma Santos-Recto sa ipinakitang husay sa pag-arte ni Nadine Lustre na kasama niya sa Metro Manila
Film Festival (MMFF) movie nilang Uninvited.
Naging anak na ni Ate Vi si Nadine sa MMK kaya naman text niya sa amin, “Magaling si Nadine…I just feel so comfortable with her!!! She is reallygood as a person and actress!!!
“Siguro nga naging anak ko siya noon sa ‘MMK.’ Eh si Aga, Aga is still my Agaton.”
Dagdag pa ni Ate Vi, magagaling ang lahat ng cast. Kaya naman inspired siyang kaeksena sila at magaling din ang team ni Direk Dan Villegas at ang Mentorque at Project 8 team.