Wednesday , October 23 2024
Dragon Lady Amor Virata

Labanang matalino vs b-o-b-o?

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

KULANG na lang na sabihin ni VP Sara Duterte na bobo si Pangulong Bongbong Marcos dahil deretsahang sinabi ng Bise Presidente na hindi marunong maging Presidente si BBM kaya umano patungo na sa impyerno ang ating bansa.

Ito umano ang isa sa pangunahing dahilan kaya umalis siya sa administrasyon bilang kalihim ng Department of Education, dagdag ni Duterte sa isang pagpupulong na ginawa sa Mandaluyong City.

Sinabi umano ni VP Sara na one lang, out of ten ang rate ni BBM.

Ayon sa VP, sa halip na pagtuunan ng pansin ng Pangulo ang nararamdaman ng bayan gaya ng problema sa pagkain at petrolyo.

Dahil lamang umano kay Sen. Imee Marcos kaya siya tumakbo bilang Vice President ni BBM.

Umani ng batikos si VP Sara mula sa kampo ni BBM dahil hindi nito maipaliwanag ang P16 bilyon na ginastos sa confidential funds habang kalihim ng DepEd.

Sa aking opinyon, ngayon pa lang ay basagan na ng trip ang bawat kampo nina BBM at VP Sara, na magpapatuloy habang nalalapit ang midterm elections sa May 2025. Patuloy ang trolls sa social media ng dalawang kampo.

Litong-lito ang taongbayan sa sandamakmak na mga fake news sa magkabilang kampo.

‘Yan ang politika sa ating bansa, kakampi mo noon, kaaway mo ngayon. Kaaway mo noon kakampi mo ngayon!

Ito namang mga bashers, parang kilala sila nina BBM at VP Sara kung magkomento sa social media.

Hindi ba puwede bumoto na lang kung sino ang gusto at ‘wag na magsiraan. Sigurado darating ang araw na may magpapatayan dahil kina BBM at VP Sara. Ipapa-ospital ba kayo ‘pag nagpatayan kayo o ipalilibing ba kayo? Tama na ‘yung sumuporta kung sino kina BBM at VP Sara ang gusto ninyo.

Pero true ba o fake news na tatakbo si VP Sara ng Presidente? True ba na ayaw ni PRRD na tumakbong Pangulo ang anak nitong si Sara?

Abangan!

About Amor Virata

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos: Laglag na sa administrasyon, tablado pa kay Digong

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa paulit-ulit na ‘drama at palundag’ hindi malayong tuluyang matalo si …

YANIG ni Bong Ramos

Sama ng loob ng Senior Citizens sa Tondo, ‘imamarka’ sa balota sa May 2025 elections

YANIGni Bong Ramos SANDAMAKMAK na senior citizens mula halos sa lahat ng barangay na nasasakupan …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD laging handa para sa QCitizens hindi dahil sa E-051225

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASASABING matagal-tagal pa pero puwede rin sabihin: malapit na ang Pasko, …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Pahirapang pagsuweto sa mga bandido ng CIDG

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. LUMALAKAS ang mga bulung-bulungan tungkol sa galawan sa Criminal …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Buhay ng motorista, at pedestrian, prayoridad ng LTO

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA bang suspendehin lang sa loob ng 30-araw ang dalawang driving …