I-FLEX
ni Jun Nardo
TATLONG reporters ng TV Patrol ang nasibak kaugnay ng pagtitipid ng ABS-CBN, huh!
Ibinigay sa amin ang pangalan ng dalawang reporters maliban sa ikatlo. Pamilyar naman ang pangalan pero ayaw na naming ilabas pa ang name nila.
Lumabas na ang balita sa social media na mahigit 100 empleado ng network ang mawawala dahil sa retrenchment ng kompanya na ‘di na umano kayang suwelduhan pa.