Wednesday , October 16 2024
FPJ Panday Bayanihan partylist

Agenda ng masa taglay ng FPJ Panday Bayanihan partylist

PASYA ng karamihan galing sa bawat batayang sektor ng lipunan ang kakalapin ng FPJ Panday Bayanihan partylist  para maisulong ang people’s agenda at maidulog ang makamasang batas sa kongreso na pangungunahan ng naturang sectoral party sa 2025 midterm election.

Ayon kay Brian Poe Lamanzares, unang nominado ng FPJ Partylist, hindi kami ang magdidikta kung ano ang kailangan ng tao. Kailangan malaman namin kung ano ang sadyang naisin ng bawat sektor para sa pagpapatuloy ng legasiya ng aking lolo at adbokasiya ng aking ina na si Senator Grace Poe na hinahangad namin na ilaban at maipagkaloob sa nakararami.

Naisagawa na kamakailan sa Manila at Quezon City ng naturang partylist ang sectoral forum at patuloy nila itong gagawin sa bawat bayan lalo sa pamyanan ng mga Indigenous People, patuloy na pagharap sa historical discrimination, wala o salat sa mga serbisyong panlipunan, at economic opportunities.

Si Brian ay panganay na anak ni Sen. Grace Poe at apo ng yumaong batikang action star na si Fernando Poe, Jr., tinaguriang Hari ng Pelikulang Pilipino. Masugid na sinuportahan ng mag-inang Lamanzares ang kandidatura sa pagka-Pangulo ni FPJ noong 2004.

Kumintal sa puso at isipan ng mag-ina ang adhikain ni FPJ. Sinasambit lagi sa pangangampanya ni Da King, “Ang serbisyo ko sa inyo ay walang katapusan.”   

Kaya noong 2013 ay itinatag ni Brian ang FPJ Panday Bayanihan at siya rin ang nanguna sa pamimigay ng hindi mabilang na tulong sa mga nangangailangan lalo sa mga kapos-palad. Food, progress, at justice ang pangunahing adbokasiya ng party-list na ipinaglalaban ni Da King noon pa man.

Nang magsumite ng certificate of election sa Comelec si Brian, kasama sina Mark Patton, second nominee, at Hiyas Dolor, third nominee ng FPJ Panday Bayanihan partylist ay sinamahan sila ni Sen. Poe kasabay ng pagdagsa ng mga tagsuporta at mga dating miyembro ng Filipinos for Peace, Justice and Prosperity Movement (FPJPM) at iba pang tagasuporta ni FPJ.

About hataw tabloid

Check Also

Bong Revilla Jr Lani Mercado MMDA

Sen Bong ipinangako pelikulang Filipino bubuhayin; 15,000 beneficiaries  nabiyayaan sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKALULULA ang napakaraming movie workers na nagtungo para makiisa sa Bagong …

itak gulok taga dugo blood

Sa Surigao del Norte
4-ANYOS TOTOY PATAY SA SUNDANG

NADAKIP ng pulisya ang isang magsasaka matapos iturong suspek sa pananaga at pamamaslang sa isang …

Dumbbell blood

Hinampas sa ulo ng dumbbell
OFW UTAS SA ‘BULONG’ NA NARINIG NI MISIS

KAMATAYAN hindi pagmamahal ang napala ng isang 62-anyos engineer at dating overseas Filipino worker (OFW) …

P8.3-M ECSTASY coffee beans BoC Customs

Inihalo sa coffee beans
P8.3-M ‘ECSTASY’ NASABAT NG BoC

NABUKING ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) ang mga tableta ng ‘ecstasy’ na …

Bulacan kinilala bilang Top 1 Province sa Local Source Revenues para sa FY 2022

Bulacan kinilala bilang Top 1 Province sa Local Source Revenues para sa FY 2022

NAGDAGDAG ng panibagong karangalan ang lalawigan ng Bulacan, kinilala bilang Top 1 Province in Local …