SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
NAPAKA-BONGGA ng isinagawang birthday celebration ng may-ari, CEO ng SCD Skin Care na si Ms Grace M. Angeles na ginanap sa Sundowners Beach Resort sa Botolan, Zambales, noong Lunes.
Kasabay ng magarbong birthday celebration ang paglulunsad ng bagong produkto, ang SCD Retinol serum.
Sa pakikipag-usap namin kay Ms Grace, ang birthday celebration ay hindi lng para ipagdiwang ang kanyang kaarawan kundi para rin sa mga distributor at kasama niya para mapaunlad ang SCD Skin Care.
Pagbabagi ni Ms Grace, una silang naglabas ng iba’t ibang klase ng sabon, ang organic soap whitening and healing soap noong 2006 at taong 2016 nang mabuo niya ang SCD.
“Ang pinaka-best seller namin ay ang SCD peeling skin lotion, iyon talaga ang nagpakilala sa SCD. Kami ang kauna-unahang nagpakilala ng peeling lotion na pwede sa mukha at katawan,” ani Ms Grace.
Two years in the making naman ang Retinol serum at talagang pinag-aralan din muna nilang mabuti bago ito ilabas sa market.
Bagama’t click na click ngayon ang skincare industry at marami ang nagiging milyonaryo sa negosyong ito, sinabi ni Miss Gracee na nagsimula siya talaga sa zero.
“For three years or more, as in . Hindi ako nag-start na biglang boom. Talagang dinaanan ko muna lahat kung ano ‘yung madadaanan ng isang business owner.
“Pero maganda po kasi ‘yun kasi I know how to reach people, I know how to secure their investment, I know what they need,” aniya.
Ngayon ay medyo okay na ang kompanya at natutuwa siya na marami ang natutulungang disributors ang SCD.
“Mas nagiging mayaman ‘yung distributors kaysa sa akin. ‘Yun ang kagandahan po niyon,” aniya pa.
Taong 2022 nang kunin niya si Lovi Poe bilang first celebrity ambassador ng SCD na lalo pang bumongga at nakilala simula nang kunin ang aktres.
“Two years na kaming magkasama ni Ms Lovi. Ini-renew namin siya May 21, 2024. We really love her because she’s so kind and beautiful,” buong pagmamalaki ni Ms Gracee kay Lovi.
Nang matanong kung gaano ka-epektibong endorser si Lovi, ani Ms Gracee, “since ang kanyang character ay very elegant tapos ang ipino-promote namin ay pang-masa pero ang attitude ni Ms Lovi makikita n’yo everytime makikita siya ng distributor namin nakikipag-usap siya. Kahit ang beauty niya ay very elegant, sophisticated niri-reach pa rin niya ang masa. Ang SCD kasi ay pang-masa pero high quality po ang aming ginagawa.
“So we don’t just make this product para lang mura. Pero ang ginagawa namin lahat ng high quality na raw materials inilagay namin doon,” sabi pa ng CEO ng SCD.
At nang matanong ang kanyang dream endorsers pa, sinabi niya na sina Heart Evangelista at Piolo Pascual.