Saturday , January 17 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kwatro Kantos Michael Fajatin Alan German Ronald Llamas Guido David

Kwatro Kantos kaabang-abang, maiinit na isyung politika tatalakayin sa Bilyonaryo News Channel

TINAGURIANG walang takot na talkshow ang Kwatro Kantos na tumututok sa iba’t ibang usapin mula sa  komplikadong isyung politikal at iba pang paksa na kinabibilangan ng mga social issue. Bawat episode ay nagpapakita ng malalimang diskusyon at eskpertong pag-aanalisa sa mga usapin na tiyak magbibigay sa mga manonood ng mas malalim na pang-unawa sa bawat isyu sa loob ng bansa. Umeere tuwing Sabado, 10:00-11:00 a.m. at mapapanood naman ang replay tuwing weekday.

Pawang mga eksperto ang ang apat na host sa pangunguna ng beteranong brodkaster na si Michael Fajatin, na  kilala sa kanyang malalim na pagre-report at masiglang estilo ng pagtalakay. Ang Kuwatro Kantos ay naghahatid ng sama-sama at pang-malakasang pagbibigay-kaalaman sa mga manonood.

Kasama rin ang PR expert na si Alan German, na nag-aalok ng modernong  estratehiya sa komunikasyon at pampublikong pananaw, na lalong magpapasigla sa talakayan sa pamamagitan ng kanyang kaalaman kung paano nabubuo at tinatanggap ang mga pangyayari.  

Nariyan din ang dating Cabinet Secretary for Political Affairs Ronald Llamas na gamit ang malawak na karanasan sa mga kaganapang pampolitika na lalong magpapalalim sa mga usapan at talakayan sa current events na nakaaapekto sa pamunuan at lipunan ng Pilipinas. 

Dagdag pa si  Professor Guido David na hindi matatawaran ang pagiging dalubhasa  bilang kilalang data analyst kaya naman ang talakayan ay tiyak na nakabase sa mga datos na makaaasa ang mga manonood na ang nakukuha nilang kaalaman ay may katibayan at totoong kalakaran.

Ang show ay magpapakita ng mga kagigiliwang ekspertong panayam, masasayang diskusyon, at interactive na may partisipasyon ang mga manonood. Bawat episode ay naka-pokus sa mainit at napapanahong isyu na ang mga host ay magbibigay ng kanilang malalim na perspektibo at pag-analisa sa mga isyu. 

Ang mga manonood naman ay hinihikayat na aktibong magbigay ng kanilang saloobin, pananaw at mga kuwestyon na lalo pang magpapakulay ng talakayan sa anumang tampok na paksa.

Ang Kwatro Kantos ay hindi lamang naglalayong magbigay ng impormasyon at kaalaman sa mga manonood tungkol sa lagay ng politika sa Pilipinas bagkus ay layunin din nitong hikayatin ang pakikiisa ng publiko at i-promote pa ang kritikal na pag-iisip sa pamamagitan ng mga diskusyong kapupulutan ng malalim na kaalaman.  Sa pagtugon sa mga hamon at oportunidad na kinakaharap ng ating bansa, layunin ng show na palakasin ang mga manonood bilang aktibong kalahok sa demokrasya.

Ang  Bilyonaryo News Channel ay available na sa libreng television channel na BEAM TV 31 (sa pamamagitan ng digital TV boxes sa Metro Manila, Cebu, Davao, Iloilo, Baguio, Zamboanga, at Naga) gayundin sa Cignal Channel 24.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Toni Gonzaga Paul Soriano

Toni inihalintulad sa dumi nagpapakalat ng maling tsismis sa power couple

I-FLEXni Jun Nardo TINABLA na ni Toni Gonzaga ang pagsama nila ng asawang si Paul Soriano na power couple …

Bam Aquino Bianca Gonzales Y Speak

Bam Aquino sasamahan nina Elijah at KD sa Y Speak

HINDI maiwasang magbalik-tanaw ni Senador Bam Aquino sa kanyang karanasan bilang host kasunod ng pag-anunsiyo ng pagbabalik …

GMA Regional tv

GMA artists bubusugin sa saya mga Pangasinense

RATED Rni Rommel Gonzales ISANG unforgettable evening ang tiyak na hatid ng ilang GMA stars sa mga …

Vina Morales Gladys Reyes Neil Ryan Sese

Vina nagkakapasa-pasa sa awayan nila ni Gladys 

RATED Rni Rommel Gonzales MASAYANG nakipagkulitan ang mga bida ng Cruz vs. Cruz na sina Vina Morales, Gladys …

Sean Raval Jeric Raval

Sean gustong makilala bilang action star:  hindi dahil kamukha ko siya

RATED Rni Rommel Gonzales WALA sa cast ng Spring In Prague ang young male star na si Sean …