Thursday , June 4 2026
Alan Peter Cayetano

CIA with BA’: Dapat bang ang ama ang laging masunod kapag nagdedesisyon?

SANAY tayong mga Filipino sa kultura na ang ama ang kadalasang may huling salita sa mga desisyon ng pamilya. Mula sa maliliit na bagay hanggang sa malalaking usapin, ang opinyon at pasya ng ama ay madalas na nangingibabaw.

Ngunit sa ‘Yes or No’ segment ng CIA with BA episode noong Linggo, Oktubre 6, isang mahalagang tanong ang itinaas: Dapat bang laging masunod ang ama? May legal na batayan ba ito, o mas mahalaga bang itaguyod ang pagkakapantay-pantay at sama-samang pagdedesisyon sa loob ng pamilya?

Ani Senator Alan Peter Cayetano, isa sa mga host ng programa, “Alam niyo, ‘yung ating batas, maraming pinanggagalingan. Mostly, culture — part n’yan religion, part n’yan tradition, part n’yan ‘yung [kung] sinong namumuno, kung ano ang ideology or philosophy nila — then may historical context din.”

Ipinaliwanag din niya na sa ating konteksto, mayroong historical basis at praktikal na dahilan para rito.

Ayon sa kanya, sa mga bansa na ang mga lalaki ang naiiwan sa bahay at ang mga babae ang nagtatrabaho, maaaring maternal ang kalikasan nito. Ngunit dito sa atin, ito ay paternal. Gayunman, binigyang-diin niya na kahit na paternal ito sa ating konteksto, hindi ito dapat ang huling pasya.

“Hindi rin ‘yan dapat ang primary. Ang primary is mag-usap,” sabi ng senador.

Para sa kanyang bahagi, sinabi namam ni Boy Abunda na, “Ang pagiging ama ay isang matinding responsibilidad. Ngunit kaakibat nito ay karapatang ibinibigay sa kanya ng batas. Dapat lang na gamitin ito ng mga tatay para sa ikabubuti at ikauunlad ng kanyang pamilya.”

Ang CIA with BA ay nagpapatuloy ng legasiya ng yumaong Senator Rene Cayetano at umuere tuwing Linggo, 11:00 p.m. sa GMA7, na may replay sa GTV sa susunod na Sabado ng 10:30 p.m..

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …