Thursday , June 4 2026
GenRos Rhodel Sermonia Albert Martinez Wonderful PINAS

Albert at GenRos maghahatid ng magagandang lugar sa ‘Pinas

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

PAGBATI na rin ang aming ipahahatid sa grupo ng Wonderful PINAS na umere na kahapon sa UNTV, 9:00 a.m.. Hosted by retired General Rhodel Sermonia o si GenRos at mahal nating kaibigan, direk Albert Martinez, napaka-promising ng show.

Hindi lang ito basta travel show na nagtatampok ng ganda ng mga lugar o sarap ng pagkain o magandang hospitality ng mga Pinoy, kundi show din ito na nagsisiguro at nagbibigay garantiya na ‘safe and secure’ ang mga lugar sa buong bansa. Lalo na nga ‘yung mga lugar sa Visayas at Mindanao, gaya ng Sulu, Jolo, Basilan at marami pang may stigma o notion na kinatatakutan.

Iyan talaga ang nais naming ipakita, iparamdam at i-share sa lahat. Safety at security na sa sariling atin dapat ay una nating nararanasan,” sey ni GenRos na matagal ng kaibigan ni direk Albert.

Segue naman ng magaling na aktor, “ako naman, gagarantiyahan ko ‘yung swak at sakto sa budget. Sa dami ng mga still to explore na mga lugar sa bansa, hindi dapat maging expensive o luxurious ang pagbabakasyon o pamamasyal.”

Very inviting ang concept ng show dahil bukod sa tourism at pagkakaroon ng safe and secure travel, layon din nitong ipakita ang culture, heritage, customs and tradition, values, food, local folks, etc na madalas daw ay nai-ignore sa ibang shows dahil naka-pokus nga lang lagi sa ganda ng lugar.

May plano pa silang mag-out of the country to see and share the lives of our OFWs there.

Bukod kina GenRos at Albert, magiging guest co-hosts din ng Wonderful Pinas sina Alvin Anson, Dennis Coronel Macalintal, at Michele Gumabao.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …