Wednesday , April 2 2025

GEA-3 pricing mechanism hinimok sa ERC, isapinal na

101324 Hataw Frontpage

HINILING ng Senado sa Energy Regulatory Commission (ERC) na kanila nang isapinal ang presyo ng green energy auction reserve (GEAR) para sa auction ng  renewable energy upang matuloy na ngayong taon.

“That is one of the priorities I think we need to do, because in everything, the goal is to make the shift to renewables and this is directly related to that. I hope we can get that done. I understand there are things that have to be done in the side of ERC as well,” ani Senator Pia Cayetano  sa pagdinig ng senado ukol sa 2025 budget ng Department of Energy (DOE).

Kabilang sa dumalo sa pagdinig sina Energy Secretary Raphael Lotilla, at ERC Officer-In-Charge /Chief Executive Officer (OIC-CEO) Jesse Hermogenes Andres.

Tiniyak ng DOE kay Cayetano na ang third Green Energy Auction (GEA-3) ay matatapos ngayong taong ito.

“Our target for the Green Energy Auction 3 is to finish it before the end of the year such that the pumped storage hydro, [more than] 3,000 megawatts (MW), will be able to come in five years from now,” ani Energy Undersecretary Rowena Cristina Guevara sa mga senador.

Upang maisakatuparan ang GEAR-3 kailangang maglabas ng presyo ng GEAR ang ERC. 

Tungkulin ng ERC na tukuyin ang presyo ng GEAR  o ang pinakamataas na presyo na maiaalok sa  GEA.

“One of the items required there would be the approved pricing methodologies with ERC. We’re coordinating that,” ani Lotilla.

Sinabi ni Cayetano na maraming namumuhunan ang naghihintay na sa ikatlong leg ng GEA na magbibigay daan para sa pagnenegosyo sa  larangan ng renewable energy.

Sa nakalipas na dalawang taon nagsagawa ang DOE ng dalawang rounds ng auction na nakapag-generate ng kabuuang 5,306 megawatts (MW) ng RE bilang tugon sa pangakong maipagkaloob sa taong  2024 hanggang 2026.

Ngunit tanging 3,580.76 MW sa loob ng 11,600 MW  ang inialok sa DOE sa ilalim ng  GEAR-2.

Tinukoy ng DOE na ang supply limitation, low incentives, ang pagkaantala ng pagsasagawa ng grid impact studies, at ang halaga ng  financial guarantees  na ilan sa dahilan kung bakit mababa ang  investors turnout sa GEA-2. 

Ang GEA-3 ay sakop ang tinatawag ng non-feed-in-tariff (Non-FIT) eligible renewable energy technologies tulad ng geothermal na nakapaloob sa hydro at pumped-storage hydro sa ilalim ng DOE Circular No. DC2023-10-0029.

Tinatayang ang kapasidad ng non-FIT Eligible RE technologies are: 699 MW from impounding hydro ay 3,120 MW mula pumped storage hydro at 380 MW mula  geothermal.

Sakop ng GEA-3 ang run-of-river (ROR) Hydro na akma sa FIT-eligible RE technology. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

DENR, LGU kinalampag sa illegal resort construction sa Bohol

DENR, LGU kinalampag sa illegal resort construction sa Bohol

SUMIKLAB ang galit ng mga lokal na residente kaugnay sa viral video ng isang backhoe …

Duterte ICC

Para sa pagsusulong ng Crime Against Humanity
1 KASO NG MURDER SWAK PARA LITISIN SI DUTERTE – ICC

HATAW News Team ISANG kaso lang ng pagpatay ay sapat na para lumarga ang Crime …

Myanmar

PH humanitarian team ipinadala sa Myanmar

BUMIYAHE na ang Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent (PHIAC) upang tumulong sa search, rescue, at retrieval …

COMELEC Vote Election

34 reklamo ng vote buying, vote selling inireklamo

INIULAT ng Commision on Elections (Comelec) na umabot sa 34 kaso ang mga iniulat sa …

Lisensya ng SUV at motorcycle drivers sa Antipolo road race, sinuspinde ng LTO

Lisensya ng SUV at motorcycle drivers sa Antipolo road race, sinuspinde ng LTO

PINATAWAN ng 90-araw suspensiyon ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensiya sa pagmamaneho ng SUV …