I-FLEX
ni Jun Nardo
PORMAL nang naghain ng candidacy bilang Manila Mayor aspirant si Isko Moreno kahapon ng umaga na sinamahan ng maraming supporters.
Sa isang sit down interview kay Isko na lumabas sa Facebook, sinabi niyang kay incumbent mayor Honey Lacuna siya natatak.
Rason ni Isko, “Noong nag-ikot-ikot ako sa barangay, sinasabi nilang bumalik na ako. Nagtaka ako dahil may nakaupo naman eh bakit naghahanap ng iba!”
So, nagdesisyon si Isko na bumalik sa Manila at kumandidato.
Batuhin man si Isko ng paninira, basta ang masasabi niya lang eh, “Bahala na ang tao sa Maynila ang humusga kung sino ang gusto nila!”