Friday , November 15 2024

Para muling ‘irespeto’
Ex-PRRD PINAYOHANG TUMAKBO SA SENADO

100724 Hataw Frontpage

ni NIÑO ACLAN

NANINIWALA si dating presidential adviser, Salvador Panelo na ‘maliit ang tingin’ ng mga mambabatas kay dating Pangulo Rodrigo Duterte mula nang mawala sa puwesto kaya pinayohan niya na tumakbong senador sa 2025 elections.

Tahasangsinabi ni dating Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa kanyang pagdalo sa media forum na The Agenda sa Club Filipino, hindi lamang layunin ng Quad Committee hearing sa mababang kapulungan ng kongreso na wasakin ang kaalyado ng dating pangulo na pawang mga re-electionist senators kundi mismong ang dating pangulo.

Naniniwala si Panelo, hindi lamang ang dating pangulo ang target ng mga pagdinig kundi maging ang anak nitong si Vice President Sara Duterte.

Iginiit ni Panelo, hindi siya magtataka na isang araw ay may gumugulong nang impeachment case laban sa kasalukuyang vice president. Ngunit aniya malabong magtagumpay ang balaking ito dahil walang sapat na ebidensiya laban dito.

Ipinunto ni Panelo, sa nagaganap na pagdinig, pilit iniuugnay ang dating pangulo sa ilang mga pangyayari dahil lubhang ‘maliit ang tingin’ sa kanya ng mga mambabatas simula nang mawala siya sa puwesto.

Dahil dito, pinayohan ni Panelo ang dating pangulo na tumakbo bilang senador dahil segurado umano ang panalo.

Naniniwala si Panelo, sa sandaling manalo ang dating pangulo, tiyak na magkakaroon siya ng proteksiyon at magbibigay galang ang lahat sa kanya.

               Gayonman, sinabi ni dating PRRD sa Davao City na hindi na kaya ng kanyang katawan ang mangampanya sa buong bansa. Magko-collapse umano ang kanyang katawan kapag ginawa niya iyon.

Kaugnay nito, naniniwala si dating presidential adviser at political analyst Ronald Llamas na ang susunod na halalan ang magiging political landscape ng bansa.

Itinuturing ni Llamas, ang lahat nang nagaganap ay maituturing na ‘existential strategies’ lalo na’t nagdudurugan ang kampo nina Marcos at Duterte na magkaalyado noong 2022 presidential at vice presidential election.

About Niño Aclan

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …