I-FLEX
ni Jun Nardo
WALA raw planong bumalik sa politika ang aktor na si Richard Yap. Sinabi niya ito sa finale mediacon ng GMA series na Abot Kamay Na Pangarap na magtatapos na ngayong Oktubre.
Sinubukan ni Richard na pasukin ang politika sa Cebu pero hindi siya nagtagumpay.
Kaya naman, ang ibang negosyo at showbiz career ang mas pagtutuunan niya ng pansin dahil may magic ang appearance niya sa bawat show na gawin.
Ilang weeks na lang at tigil na ang bakbakan at bardagulan sa GMA afternoon series.