MATABIL
ni John Fontanilla
NAG-CELEBRATE ng 1st anniversary ang isa sa negosyo ng number 1 DJ sa bansa na si Papa Dudut o Renzmark Jairuz Ricafrente, ang napakasarap na Papa Dudut’s Lechon Manok.
May mga sorpresang regalo si Papa Dudut sa mga bibili ng Lechon Manok, Sisig atbp..
Pagbibirong post ni Papa Dudut sa kanyang personal Facebook account, “Kelangan magtinda anak mahal ang gatas punta po kayo sa Papa Dudut Lechon Manok bili napo kayo 1 year Anniversary ng PDLM with Jian si Jiana kasama ng mommy ( Jem ) nya nagpapapedicure kanina.
“Pumunta na sa aming mga branch at may mga surpresang nakaabang- Winston Street, Fairview, Commonwealth Avenue, Fairview, Quirino Highway, Brgy. Greater Lagro, Villonco Street, Brgy. Commonwealth,168 Shopping Mall Divisoria
Tapos pamassage narin po kayo sa Rangsiman Thai Massage.”
Bukod sa mga nasabing branch, marami pang branches ang bubuksan sa buong Pilipinas.
Ilan sa talagang paborito namin ay ang Papa Dudut’s Sweet Lechong Manok at ang aming binabalik-balikan na Papa Dudut’s Sisig na pagkasarap-sarap! Try n’yo promise grabe ang sarap!