I-FLEX
ni Jun Nardo
PINAGHAHANDAAN ng hitmaker na si Arthur Nery pati na ng bandmates niya ang sarili—physically, emotionally, at mentally bago sila sumabak sa pangmalakihang concert sa Araneta Coliseum sa October 25.
Best known for his 2019 debut Letters Never Sent, inilabas na rin ng R n B singer last September 28 ang sophomore album niyang II: The Second.
Taong 2022 ang huling sold out concert ni Arthur sa New Frontier Theater. Dahil sa kanta niyang Pagsamo at Take All The Love, nagmarka ang pangalan ni Arthur sa music industry na nagpamahal sa kanya ng Gen-Zs.
Kahit mahusay na singer-songwriter, producer/arranger ng kanta niya, lovable ang dating ng singer mula sa malayong probinsiya na mahiyain pa rin pero umaapaw ang talento.