Sunday , November 17 2024
Honey Lacuna Senior Citizen

Last quarter allowances ng Manila senior citizens inihahanda na — Mayor Honey

INIHAHANDA ng pamahalaang lungsod ng Maynila ay ang distribusyon ng allowances ng mga senior citizens para sa buwan ng Setyembre hanggang Disyembre ngayong taon.

Nabatid na inatasan ni  Mayor Honey Lacuna ang Office for Senior Citizens Affairs (OSCA) sa pamumuno ni Elinor Jacinto at ang public employment service sa ilalim ni Fernan Bermejo na magsagawa ng  consultative meetings para sa nasabing bagay.

Ang mga hiniling na dumalo sa pulong konsultasyon ay ang mga opisyal ng 896 barangays sa anim na distrito ng Maynila.

Layunin ng nasabing pagpupulong ayon kay  Lacuna, ay upang tiyakin na maayos at mabilis ang distribusyon ng mga payrolls na inihahanda ng pamahalaang lungsod para sa allowances ng senior citizens.

Sakop ng nasabing  payrolls ang mga buwan ng  Setyembre, Oktubre, Nobyembre, at  Disyembre ng taong kasalukuyan.

Nanawagan ang lady mayor ng suporta sa lahat ng  barangay officials na may kinalaman na maging  present sa petsa, araw, at oras ng consultative meetings.

Ang mga inaasahang dadalo ay ang barangay chairpersons, barangay secretaries o kahit na sinong awtorisadong mag-organisa o gumawa ng updated senior master lists sa kanilang mga nasasakupan.

Sa ilalim ng city government’s social amelioration program, ang  bawat isa sa 203,000 senior citizens ay tumanggap ng P2,000 cash assistance na kumakatawan sa  P500 buwanang allowance para sa apat na buwan.

Ang 2nd payout na sakop ang mga buwan ng Mayo hanggang Agosto 2024 ay nagsimula na ngayong buwan at inaasahang matatapos hanggang 27 Setyembre 2024.  Ang payouts ay hinati sa dalawang  district kada specific dates. 

Ang payout, cashout at liquidation ng senior citizens’ allowance ay sa ilalim ng tanggapan ni Bermejo.

Sinabi ni Lacuna, ang senior allowances, ay ibinibigay bilang bahagi ng local government’s social amelioration program at idinaraan na ngayon sa  mga barangay dahil sa kahilingan ng mga senior citizens na nagkakaproblema sa paggamit ng PayMaya.

Nanawagan sina Lacuna at Jacinto sa mga senior citizens na i-surrender na ang kanilang PayMaya cards na mapapaso ngayong buwan para mapalitan ng OSCA IDs na walang expiration at kanilang magagamit sa pagkuha ng kanilang monthly allowance. (BONG SON)

About Bong Son

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …