I-FLEX
ni Jun Nardo
NAKATUTUWA naman kung totoong babalik sa TV Productions ang TAPE, Inc. ayon sa report.
Mula nang matapos ang huling TV production ng TAPE na Tahanang Pinakamasaya, wala nang nabalita tungkol sa production na unang producer ng Eat Bulaga.
Tinext namin ang isa sa malapit sa owners ng TAPE na si Atty. Maggie Garduque para alamin kung totoo ang balita. Pero as of this writing eh wala pa siyang sagot.
Of course, kung totoo, good news ito dahil matutulungan nila ang mga taong wala pang trabaho sa telebisyon.