Monday , September 16 2024
Gem Castillo

Hiling bago pumasok ng politika, ipinagkaloob ng Diyos kay Mayora Gem Castillo

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

WALANG imposible kapag ginusto ng Diyos. Ito ang makabuluhang tinuran ng dating That’s Entertainment beauty na si Gem Castillo na kasalukuyang kinikilalang Mayora ng San Pablo City, Laguna. Mayor kasi ng nasabing lungsod ang kanyang mister na si Mayor Vic Amante, kaya naging popular na tawag na rin kay Gem ang ‘Mayora’.

Kung sa bagay, bilang first lady ng kanyang lungsod, hindi na lingid sa kaalaman ng lahat ang kababaan ng loob at walang katapusang pagtulong ni Ms. Gem sa mga taong nanghihingi ng tulong, nasasakupan man sila o hindi ng probinsiya ng Laguna. Basta kaya, laging handa at bukas ang mga palad ni Gem na mag-abot ng tulong, malaki o maliit man matapos iparanas din sa kanya ng Panginoon ang masaya at marangyang buhay.

“Naging mahirap din ako kaya alam ko ang taong nangangailangan,” sambit niya  sa pag-uusap nila ng Founding Chairman ng World Class Excellence Japan Awards (WCJA) na si Ms. Emma Cordero para sa Voice of an ANGEL Foundation’s free concert sa San Pablo City sa September 28, 2024 bilang handog ng Foundation ni Ms. Cordero sa mga kababayan ni Mayora Gem.

Pag-amin ni Mayora Gem, mismong mga kababayan na rin niya ang naghihikayat sa kanyang pumasok sa politika pero kailangan muna niyang makita kung ipagkakaloob ng Diyos ang tatlong mahahalagang senyales bago siya tuluyang pumasok sa mundo ng politika.

Una, hiniling ni Mayora ang isang senyales na dapat may taong maghikayat sa kanya sa pagpasok sa politika, na nangyari noong siya’y nasa Boracay. Pumunta si Congressman Dan Fernandez sa bahay nila at kinusap ang kanyang butihing mister na si Mayor Amante, na aniya’y gusto ni Dan na maging ka-tandem si Mayora Gem sa next election.

Pero hindi sumang-ayon si Mayor Amante.  Tatlong beses pa raw binalikan ni Cong. Dan si Mayor, pero hindi pa rin talaga pumayag si Mayor.

Pangalawa, habang nasa ibang bansa, humingi ng basbas si Mayora Gem sa mga madre. Nang nagpunta siya sa Europe at narating niya ang lugar na nangyari ang tinatawag na Miracle of the Sun na nagmilagro ang Birheng Maria sa tatlong batang pastol na sina Lucia, Jacinta, at Francisco. 

Kuwento niya, “Sabi ng isang madre, tinawag daw ako ng Mahal na Birhen kaya ako nakarating sa lugar, na sabi ko, talagang pangarap ko na marating ang lugar at nangyari nga. Doon ko na rin ipinagdasal nang husto na papasok lang ako sa politika kapag pinayagan ako ng asawa ko. Doon ko na rin narinig sa isang madre na kung manunungkulan ako, imungkahi ko na rin sa mga kababayan ko ang pagdarasal ng rosaryo kahit isang misteryo lang, pero mas maganda kung tatapusin natin ang limang misteryo.

“Na sabi ko, gagawin ko. E sandaling oras lang naman ang pagrorosaryo, e. Inaabot nga tayo minsan ng eight hours sa panonood sa gadget, hindi ba?” seryosong sambit ni Mayora Gem.

Patuloy na kuwento pa niya, “Pangatlo, isang umaga, nagbe-breakfast kami ng pamilya, all of a sudden, biglang narinig ko sa mister ko na, ‘Sige papayagan na kitang tumakbo sa politics!’”

Ayon pa sa kanya, nang mga sandaling iyon ay hindi raw makapaniwala si Mayora na maririnig niya ang pagpayag ng kanyang mister lalo’t sa mga nagdaang araw daw ay nasambit ni Mayor na, “Maghihiwalay na lang daw kami, kapag ako ay pumasok sa politika…Na Diyos ko naman, paaabutin pa ba namin ang maghiwalay dahil lang sa politika?

“Pero nang sinabi na niya na go na ako sa politika, hayun nabuo na ang loob ko na kompleto na ang mga senyales para tumakbo akong Vice Governor ng Laguna, ka-tandem ni Cong. Dan Fernandez na tatakbo namang Governor,” masayang kuwento pa ni Mayora Gem.

About Nonie Nicasio

Check Also

Carlos Yulo ICTSI

Karagdagang P10M kay Yulo mula sa ICTSI

NAKATANGGAP si Carlos Yulo ng karagdagang P10 milyon mula sa International Container Terminal Services Inc. …

Bongbong Marcos PAPI 50th anniversary

PAPI marks Golden (50th) Anniversary

The Publishers Association of the Philippines, Inc. (PAPI) marks and celebrates its milestone Golden (50th) Anniversary on …

RRDIC-X upskills 72 proposal preparers to secure innovation fund

RRDIC-X upskills 72 proposal preparers to secure innovation fund

CAGAYAN DE ORO CITY—The Regional Research, Development, and Innovation Committee—X (RRDIC—X) organized a writeshop on …

RRDIC-X convenes for 3Q 2024 initiatives

RRDIC-X convenes for 3Q 2024 initiatives

CAGAYAN DE ORO CITY – The Regional Research, Development, and Innovation – X (RRDIC – …

Alice Guo Francis Tolentino Crispin Remulla

Sen. Tolentino kinatigan si Secretary Remulla sa kustodiya ni Alice Guo

SINUPORTAHAN ni Senate Majority Leader Francis Tolentino ang naging pananaw ni Department of Justice ( …