Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
JD Aguas Angela Morena Angelica Hart Albie Casino

JD Aguas G sa mga eksenang mapangahas

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

PROUD si JD Aguas sa pagsasabing dahil lumaki siya sa teatro, wala siyang inhibitions sa mga eksenang mapangahas kahit mag-frontal nudity pa.

Ani JD sa presson ng Butas sa Viva Boardroom kamakailan, “For as long as kailangan po sa istorya, maayos ang pag-uusap sa direktor, walang isyu sa akin.”

Naniniwala rin si JD na kailangan ng consent ng both parties kapag may maseselang eksena na gagawin o ihahanda gaya ng pag-plaster at iba pa, para maiwasan ang pagsigaw ng ‘harassment, assault o exploitation’ na very common na nga ngayon sa mga gaya niyang naghuhubad at daring sa mga role.

And yes, kamag-anak niya si Nash Aguas though inamin niyang never siyang naging close rito kahit noong mga bata pa sila.

Happy si JD na kahit nasa VivaMax siya ngayon, ramdam pa rin niyang buong-buo ang kanyang pagka-disente dahil nagtitiwala siya sa mga co-worker niyang respetado at may magandang imahe sa industry gaya nina Albie Casino at direk Dado Lomibao at iba pa.

Isa si JD sa apat na bida ng pelikula na isinulat at idinirehe ni Dadona nakilala natin sa mga award-winning tv series sa Kapamilya channel simula pa sa Esperanza, hanggang sa Princess and I (na madalas akong lumabas hahaha!) at mga MMK series.

Butas ang first ever VivaMax project ni direk Dado kaya’t doble ang kanyang excitement na bukod tanging siAlbie lang ang maituturing niyang matagal nang nakatrabaho.

Kasama nina Albie at JD sa pelikula sina Angela Morena, at Angelica Hart.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …