PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
ISA kami sa mga sumasang-ayon na nararapat lang ang ginawang ‘pagbaba’ ng phone ni Willie Revillame sa isang home viewer/partner ng Will to Win.
Hindi naman talaga dapat na bigyan ng ayuda o premyo ang isang humingi ng tulong sa programa, na nang finally ay matawagan nga ay ibang show naman pala ang pinanonood?
Hindi lang ‘yun pang-iinsulto sa show at kay Willie na bukod sa may mechanics na dapat ay “live” na nanonood kapag tinawagan ay mukhang ‘ginagamit’ lang ang sitwasyon para makahingi ng ayuda, tulong o premyo.
Ilang beses na ba nating narinig o nabalitaan ang mga kuwentong nira-raket ng ilang mga tao ang pagiging kalahok sa show ni Willie para makakuha ng premyo?
Let’s admit it, ‘yung iba talaga ay ginagawa ng propesyon ang mga ganitong scheme sa isang TV show.