PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
NAKILALA namin ang singing couple na Sweetnotes na sina Jeffrey at Charlotte Mae Bactong.
Sa kanilang edad na early 30’s nakagugulat na marinig ang bongga nilang rendition ng mga classic song from the 60’s hanggang sa current sounds ngayong 2024.
Talagang pinag-aaralan nila ang mga ganoong songs dahil sa variety of audience na kanilang kinakantahan. Mula sa mga lolo’t lola, mga tito at tita hanggang sa mga bagets ngayon.
“We need to adapt and adjust our songs, music and sound.”
Bukod sa mahigit na 4 milyon nilang followers sa FB at 1.3 million sa Youtube channel, mayroon na rin silang daan-daang libong views sa Spotify at Tiktok accounts.
“We are blessed. Hindi naman namin inakalang aabot kami sa ganito. We simply want to document our memories and songs para in the future ay may mapanood kami at mga anak namin, pero ganito nga ang blessing na nangyari,” sey ng mag-asawang sa pagtatrabaho sa abroad nagsimulang maging mahuhusay na singers.
Sa October hanggang December ay ipinag-produce sila ni Mr Edgardo Vera Tividad ng Edren Entertainment LLC ng series of singing engagements sa napakaraming cities sa USA.
Kabilang diyan ang Chicago, Indiana, San Francisco, New York, Arizona, Los Angeles, Las Vegas, Seattle, San Diego, Colorado, Washington DC, Hawaii and Maui.
Good luck and Congrats.