MALALA raw ang sexy scenes na ginawa ng bida sa Vivamax movie na Private Tutor na si Christy Imperial na kasama rin niya ang sexy star na si Zsara Laxamana.
Hindi nga lang maikuwento ni Christy ang detalye dahil hindi niya akalaing magagawa nita ito.
“Ang hirap maidetalye. Sinunod ko ang gusto ni direk Ryan Evangelista. Bastaaaa!” ani Christy.
Ayon kay direk Ryan, dumaan sa trust workshop ang kanyang cast para hindi magkailangan. Mayroong mag-inarte sa eksena kaya lumabas ang lahat ng sexy scenes niya ng maayos.
Streaming sa August 27 ang Private Tutor.
Samantala, ang isa pang Vivamax movie na mangingiliti ay ang Ang Kapitbahay na si Christine Bermas ang bida at sina Chester Grecia at Clifford Pusing ang pagsasaluhan nila.