KINOMPIRMA ng Social Weather Station (SWS) ang nag-viral na public message na “we do not deserve to have a vice president” mula sa mga mamamayang Filipino na ayaw nang maniwala kay Bise Presidente Sara Duterte, sa pamamagitan ng nairehistrong sadsad na rating sa isinagawang survey.
Ang isa sa mga popular na kumalat na mensahe ay ang “we do not deserve a vice president who failed miserably as Education secretary” dahil pinabayaan niya ang DepEd kahit nalalapit na ang pasukan ngayong taon.
Ilan sa mga loyal lamang sa kanya ang naiwan sa DepEd at karamihan ay hindi pa kalipikado bilang DepEd officers.
Ayon sa pinakabagong survey ng SWS, sumadsad ng 19 porsiyento ang rating ni VP Inday mula sa 63 noong Marso na naging 44 nitong Hunyo 2024.
Bumaba ito sa rating na “very good” category at naging “good” category lamang. Ayon sa SWS, ang pagsadsad sa rating ay isang malaking dahilan upang matalo siya sa mga political momentum na kanyang itinayo simula nang siya ay maging Bise Presidente.
Ang 19-point bawas sa rating ay mahalaga at ito ay isang indikasyon na maraming Filipino ang hindi pumapabor sa mga ginagawa ni Sara Duterte, lalo na ang pagbatikos sa liderato ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.
Inihayag ng SWS survey na mas maraming mga rehiyon na dating pabor sa kanya ang bumaba, partikular ang Visayas, na nakapagtala ng 22 points lamang, at bumaba ng 26 points, pati na rin sa Mindanao, ang kanillang teritoryo na sumadsad ng 7-point. “Kapag patuloy ang ganitong survey, magiging maliit ang tsansa ni Sara Duterte na maging susunod na president sa 2028,” ayon sa mga political experts.
Ang patuloy na pagbagsak ni Sara Duterte sa satisfaction rate ay sinabing dahil sa mga batikos niya sa gobyerno imbes tumulong, at pawang pagpuna ang mga ginagawa niya sa kasalukuyang administrasyon.
(HNT)