Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Taiwanese Ketamine NAIA T3

Bibiyahe patungong Cebu
TAIWANESE NAT’L MAY DALANG KETAMINE, TIMBOG SA NAIA T3

ARESTADO ang isang pasaherong Taiwanese national sa Ninoy Aquino international Airport (NAIA) terminal 3 nang makuhaan ng ilegal na droga.

Sa inisyal na report ng NAIA-PDEA, natuklasan ng OTS personnel ang illegal na droga sa final security checkpoint nang kapkapan ang dayuhan habang papasok siya sa boarding gate.

Nabatid na paalis ang pasahero,kinilalang si Chen Yinjyun sakay ng Cebu Pacific flight 5J-553 patungong Cebu nang makuha ang 9.3 grams na ketamine na nakatago sa kanyang katawan.

Kasama sa mga nakuha sa dayuhan ang apat na cellphone, mga identification cards (IDs), 300 foreign currency, at P25,000 cash.

Sumasailalim pa sa imbestigasyon ang nasabing dayuhan bago dalhin sa main office ng PDEA sa Quezon City. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …