Sunday , December 22 2024
Money Bagman

Dagdag na pondo para sa sports development, hiling ng gov’t ex-official

SA ITINAKDANG deliberasyon para sa P6.352 trilyong pambansang badyet, sinabi ng isang dating opisyal ng gobyerno na panahon na para i-highlight sa mga mambabatas na dagdagan ang pondo para sa pangkalahatang pag-unlad ng sports, para makabuo ng mas maraming gold-winning athletes.

Sinabi ni Atty. Nicasio Conti, dating commissioner ng Presidential Anti-Graft Commission (PACC), dating Maritime Industry Authority (MARINA) Officer-In-Charge at ngayon ay Chief Executive Officer (CEO) ng Capstone Intel Corp., na ipinakita ni two-time gold medalist Carlos Yulo na maaaring makipagsabayan ang Filipino sa lahat ng grandest sports spectacle kabilang ang Olympics.

“Binibigyang-diin ng tagumpay ni Carlos Yulo ang potensiyal ng ating mga atleta kapag nabigyan ng sapat na suporta at mapagkukuhaan. Upang magdala ng mas maraming ginto at kaluwalhatian sa ating bansa sa hinaharap, kinakailangang mamuhunan tayo nang higit sa mga programa sa pagpapaunlad ng palakasan, pasilidad, at pagsasanay. Palakasin lamang ang pagiging mapagkompetensiya ng ating mga atleta ngunit itaguyod din ang kultura ng kahusayan sa palakasan ng Filipinas,” wika  ni Conti, sa paghimok sa pamahalaan na dagdagan ang pondo para sa pangkalahatang pagpapaunlad ng palakasan.

Pinuri ni Conti ang dedikasyon, pagsusumikap, at tiyaga ni Yulo, na nagbunga ng makasaysayang tagumpay para sa kanya at sa buong bansa.

“Muling pinatunayan ni Carlos Yulo na kayang makipagkompetensiya at maging mahusay sa entablado ng mundo ang mga atletang Filipino. Nagsisilbing inspirasyon ang kanyang mga nagawa sa lahat ng mga aspiring athletes sa Filipinas,” pahayag ni Conti.

Nananatiling nakatuon ang Capstone Intel Corp., sa pagsuporta sa mga inisyatiba na nagtataguyod ng paglago at pag-unlad ng sports sa Filipinas.

Naniniwala ang kompanya, sa pagtaas ng pondo at suporta ng gobyerno, makakamit ng mga atletang Filipino ang mas mataas at patuloy na magdadala ito ng karangalan sa bansa. (NIÑO ACLAN)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …