I-FLEX
ni Jun Nardo
TATLO ang magbabakbakan sa labanan sa pagiging Mayor ng Manila sa mid term elections next year.
Sa mga kaibigan at kakilala sa Maynila, visible si Isko Moreno sa pag-iikot. Positibo siyempre ang response sa pagbabalik niya.
Lalaban na rin daw bilang mayor ang boyfriend ni Rhian Ramos na si Sam Versoza. Sinabi niya ‘yan sa isang pagtitipon ng mga barangay official.
Ang kasalukuyang mayor na si Dra. Honey Lacuna eh gumagalaw din sa sarili niyang paraan.
Excited na kami sa bangaan nilang tatlo lalo na kapag natapos na ang filing ng certificate of candidacy.