PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
NUMBER one ngayon sa Netflix ang award-winning film na When I Met You in Tokyo nina Vilma Santos at bro. Boyet de Leon.
Matagal ding naghintay ang mga Vilmates na maipalabas ito sa Netflix lalo’t ang halos lahat ng mga naging 2023 MMFF entries ay naipalabas na sa naturang platform.
But the wait is over and it’s more than worth it kumbaga dahil ngayon nga’y number one ito.
Pagpapatunay na ang ating Star for All Seasons Queenstar Vilma ay legit na box-office queen at in na in pa rin sa mga bagong platform ng movie watching.
Nag-iisa indeed.