Friday , November 15 2024
Alice Guo

 ‘Madulas’ sa awtoridad  
ABILIDAD NG PNP ‘NAKASALANG’ SA KASO NI GUO

INIHAYAG ni Senate President Francis Joseph “Chiz” Escudero na maaaring makuwestiyon ang kakayahan ng Philippine National Police (PNP) kung hindi nito mahuhuli si suspended Bamban, Mayor Alice Guo.

Gayonman, inilinaw ni Escudero na hindi babawasan ang intelligence fund ang PNP dahil kapag ginawa ito ay mas mabibigong gawin ang kanilang mandato.

Aniya, maaaring maging kahiya-hiya ang PNP, lalo’t marami pang pinaghahanap ng batas na mas mabibigat ang kaso ang hindi nahuhuli.

               Naniniwala si Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada, kailangan ang kooperasyon ng mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno sa pag-aresto kay suspended Mayor Alice Guo ng Bamban, Tarlac.

Reaksyon ito ni Estrada sa pagkabigo ang Office of Senate Sergeant-at-Arms (OSSAA) na maiabot kay Guo at anim na iba pa ang warrant of arrest na inaprobahan ni Senate President Francis Escudero.

Hindi natagpuan ng mga tauhan ng OSSAA si Guo sa mga address nito sa Bamban at Valenzuela City noong nakaraang Sabado.

Ani Estrada, makabubuti kung kusang-loob na susuko si Guo gayondin ang kanyang tatlong kapatid na sinasabing kasosyo sa negosyo.

Kaugnay nito, ipinasisilip ni Sen. Sherwin Gatchalian ang maaaring responsibilidad ng mga banko kung saan nakalagak ang bilyon-bilyong piso ni suspended Mayor Alice Guo ng Bamban, Tarlac.

Ayon kay Gatchalian, matagal nang nakadeposito ang pera ni Guo, ngunit ngayong taon lamang ito iniulat ng mga banko sa Anti-Money Laundering Council (AMLC).

Sinabi ng senador na malakíng bahagi ng mga depósito ay mula sa China.

Naniniwalà ang senador na walang nagíng paglabag sa pagsasapubliko ng bank accounts ni Guo matapos ang freeze order ng Court of Appeals.

Nakikipagtulungan ang Commission on Elections (Comelec) para sa mga isasampang election cases laban kay suspended Mayor Alice Guo ng Bamban, Tarlac.

Ani Comelec Chairman George Garcia, hinihintay  nila ang ulat ng Senate Committee on Women and Children sa mga isyung kinasasangkutan ni Guo.

Magíng ang ihahain na quo warranto petition ng Office of the Solicitor General, dagdag ni Garcia, ay hinihintay din nila.

Ipinaliwanag niya na ang election case ay may limang taon na prescription period at ang hurisdiksyon ng Comelec para sa pagsasampa ng mga kaso laban kay Guo ay hanggang 2027. Nahalal na alkalde ng Bamban si Guo noong 2022. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …