I-FLEX
ni Jun Nardo
FORTY five years na sa telebisyon ang Eat Bulaga kahapon, July 30.
Naglabas ng isang logo si Joey de Leon na nakalagay ang numbers na 45.
Kung ano ang sorpresa ng longest noontime show, malamang na ngayong Sabado pa lang ang malaking pasabog sa TV!
Sabihin na kaya na lilipat na sa renovated na Meralco Theater ang Eat Bulaga lalo’t maliit ang studio nito sa TV5 sa Mandaluyong?
Full of surprises ang Eat Bulaga na bahagi na ng tanghalian ng milyong Pinoy na nanatiling legit Dabarkads mula noon hanggang ngayon!